Guwapong aktor nabuko na hanggang tirintas lang ang nangyari sa kanila ng ex
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - June 6, 2019 - 12:00am

Kahit nagkasolohan sa condo

Ang mga pagdududa ay nagkaroon na ng linaw. Ang mga kilay na nagtaasan ay nagbabaan na ngayon. Wala nang kuwestiyon, tapos na ang pagdududa, nalantad na ang katotohanan.

Maraming hindi naniniwala sa kuwentong naging magkarelsayon ang isang pamosong guwapong male personality at ang isang magandang babaeng personalidad.

Kapag tinatanong kasi ang aktor ay tumatawa lang siya, parang totoo nga ang insinwasyon ng kanyang pagtawa, pero hindi naman pala totoong naging sila ng magandang aktres.

Kuwento ng isang source, “Lalabas at lalabas din naman kasi ang totoo. Kahit pa daanin niya sa pagtawa at pag-iwas kuno ang mga tanong, e, lalantad din ang katotohanan.

“Nakakahiya ‘yun, ha? Nagbibigay siya ng idea na sila ng girl, kiyemeng lumalabas-labas pa raw sila nang palihim, gusto raw kasi niyang maging pribado ang relasyon nila.

“Pero umiiling ang girl kapag tinatanong siya kung totoong sila ba ng guwapong hunk aktor, parang hindi niya matanggap na sakyan ang mga sinasabi ng guy, gusto niyang magpakatotoo!

“At ‘yun na nga! Lantaran nang sinabi ng girl na hindi naging sila, lalong hindi sila magkarelasyon ngayon at hindi niya nakikita ang kanilang mga sarili na magiging sila in the future!” napapailing na kuwento ng aming impormante.

Nakakaloka, nabuhay na naman tuloy ang kuwento na nu’ng maging magkarelasyon sila ng isang pamosong female personality ay may nagaganap na senaryo, ganito kuno ang kuwento.

Sabi ng isang impormante, “Kapag dumadalaw daw ang girl sa condo unit ng guy, e, nakabagsak ang buhok niya. Kulut-kulutan ang girl, mahaba ang hair niya.

“Pero kapag paalis na kuno ang girl, e, naka­tirintas na siya! Natural, malikot ang utak ng mga kalapit-unit ng hunk actor, ang iniisip nila, e, ang lalaki ang nagtirintas sa hair ng female persona­lity!

“‘Yun lang daw ang dahilan ng pagpunta ng girl sa condo unit ng boyfriend niya, ang magpatirintas lang ng hair! Pinagpipistahan kaya sila sa lugar na ‘yun!” pagdidiin pa ng aming source.

Ubos!

Mga sekreto ng showbiz nabubunyag sa TIPM...

Tumawag ang kaibigan naming matagal nang naninirahan sa Virginia, USA dahil hanggang ngayon daw ay hindi pa rin ito makahuma sa last episode ng Take It... Per Minute, Me Ganu’n.

“Grabe, sis! Tawa pa rin ako nang tawa, dahil ibinubuking ni Manay Lolit Solis ang mga blind items n’yo ni Mr. Fu! Napaka-delicious ng show! Ang dami-daming lihim na nakakalkal!

“Lalo akong naloka nu’ng sabihin mo on air na from now on, e, hindi ka na magba-blind item dahil pinapangalanan nga ni Manay ang mga blind items mo!

“Alam mo ba kung ano ang itsura mo nu’ng sabihin mo ‘yun? Tawa ako nang tawa, matagal nang tapos ang show n’yo, nagluluto na ako ng food ng mga anak ko, pero humahagalpak pa rin ako!” litanya ni Vangie Caperal Aleemi.

Paano namang hindi ilalarawang delicious ng aming bestfriend ang talk show, ang dami-daming kuwento ng nakaraan na biglang nabubuhay, tulad ng pagla-loving-loving sa eroplano nina Gabby Concepcion at Janice de Belen na pinagpipistahan ng ibang pasahero dahil nagtatalukbong pa ng kumot habang naglalambingan.

At ‘yung dating magkarelasyong personalidad na pati ang lavatory ng eroplano ay ginagawang lugar para sa pagpapaalpas ng init ng kanilang katawan, mabuti na lang at nahawakan pa namin ang braso ni Manay Lolit, dahil malapit na nitong kumpletohin ang pangalan ng male personality sa blind item!

Grabe ang dating sa manonood ng Take It... Per Minute, Me Ganu’n, ayon sa aming mga regulars ay para lang daw silang nanonood ng mga tsismosang magkakaibigan sa kusina, dahil sa atake ng aming pagbabalita.

Malapit na po kaming mapanood sa One PH ng Cignal TV, may mga kinukumpleto pa, pero bukod sa Pilipino Star NGAYON Facebook page ay mapapanood na rin sa mainstream ang Take It... Per Minute, Me Ganu’n.

Sa mga kababayan nating matagal nang naninirahan-nagtatrabaho sa iba-ibang bansa na nagsasabing ang talk show na ito ang ginagawa nilang gamot sa kalungkutan—maraming-maraming salamat po!

Pahabol pa ng kaibigan naming si Vangie, “Alam n’yo ba kung gaano n’yo kami inaaliw? Alam n’yo ba na stress pills namin kayo? Nakakaloka ang show n’yo, sobrang nakakaaliw!”

Maraming-maraming salamat po sa lahat ng mga sumusubaybay sa aming programa tuwing Martes, alas dose hanggang ala una nang tanghali, mabuhay po tayong lahat!

LOLIT SOLIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with