^

PSN Showbiz

Dating aktor na si Casimiro napagkamalang pulubi, magdedemanda ng cyberbullying

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Dating aktor na si Casimiro napagkamalang pulubi, magdedemanda ng cyberbullying
Bayani

Sa mga nakaalala sa Okay Ka Fairy Ko, tiyak na maalala nyo si Bayani Casimiro Jr, na gumaganap bilang si Prinsipe K sa dating sikat na sitcom na yun.

Galit siyang nag-post sa kanyang Facebook account tungkol sa isang empleyado ng SM BF Parañaque na si Tina Bautista na nagpa-picture lang daw sa kanya sa labas ng mall tapos nag-post na sa kanyang FB account na namamalimos na raw ito doon.

Ni-repost ni Bayani Jr, na si Jude Casimiro sa tunay na buhay ang status na iyun nung Tina na sinasabing nakatambay daw doon sa overpass dun sa Parañaque at namamalimos na lang.

Gusto lang daw niyang iparating kina Vic Sotto at sa Kapuso Mo Jessica Soho.

Tinatakan ito ni Bayani Jr. ng ‘fake news’ at ang nasa caption nun; “Itong Tina Bautista na nagkakalat ng hindi magandang post about sa akin, pls wag nyong sakyan kasi padadalhan ko na siya ng summon sa admin ng SM BF bukas. I just filed a case to her.”

Magkakasunod itong post niyang kakasuhan daw niya ng Cyberbullying ang babaeng ito na buong akala niya ay fan lang na nagpa-picture sa kanya.

Iyun pala, gusto lang daw magpapansin kay Bossing Vic at ipara­ting sa KMJS.

Kathryn at Daniel nagawa lahat nang gusto sa Morocco

Proud na proud si Daniel Padilla sa girlfriend niyang si Kathryn Bernardo dahil naitawid daw niya nang maayos ang hosting job niya sa katatapos lang na Star Awards for Movies nung nakaraang Linggo.

Sobrang kabado nga raw si Kathryn dahil sobrang tagal na raw siyang nag-host sa isang event.

Thankful lang siya kay Daniel dahil talagang suportado siya at natutuwa ito sa na-achieve niya lalo na’t nag-Best Actress pa ito.

Malaking bagay din daw yung nakapagbakasyon sila sa Morroco nung ipinagdiwang nila ang kanilang 7th anniversary. Si Kathryn daw ang nag-suggest na subukan nila ang Morocco dahil wala silang kaide-ideya sa mga lugar doon.

“Gusto namin ma-experience ang buhay ng ibang tao, ng ibang mga lahi and it makes you humble you know. Pinapalaki niya yung mundo mo, at the same time lumiliit din,” sabi ni Daniel.

“Yun yung napili namin kasi yun ang gusto ko, yun ang sinabi ko kay DJ, gusto kong pumunta sa isang lugar na di pa namin napuntahan, medyo exotic and yung culture talaga na nagawa namin lahat ang gusto naming gawin.

“So, for me and kay DJ, one of the best trips na nagawa namin ever, and yes, super na-enjoy naming dalawa yung araw na yun,” pakli ni Kathryn.

Sabi pa nga niya, itong 7th year ng kanilang relasyon ang pinaka-the best para sa kanila.

Hindi raw nila iniisip ang sinasabi ng ‘7-year itch’. Posible kayang challenge sa kanila na malagpasan nila itong 7-year itch?

“Sa amin…parang sa akin best year namin ‘tong 7th year, baliktad nga kasi ang daming magagandang nangyari.

vuukle comment

BAYANI CASIMIRO JR

DANIEL PADILLA

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with