^

PSN Showbiz

Arci nag-iba na naman ang hitsura

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Arci nag-iba na naman ang hitsura
Arci Muñoz

Hindi nakilala ng fans

Ang KathNiel fans ang pinakamasaya sa katatapos lang na 35th Star Awards for Movies na ginanap sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila nung isang gabi.

Bago nagsimula ang awarding, usap-usapan na doon sa venue na si Kathryn Bernardo ang magwawaging Best Actress. Walang nag-leak na ka-tie niya si Sarah Geronimo sa pelikulang Miss Granny.

Wala raw kaalam-alam si Kathryn na magwawagi siya, nandun lang daw siya para mag-host na pinaghandaan niya nang husto.

Dumating pa si Daniel Padilla na kasama niyang tinanggap ang award nilang Movie Loveteam of the Year.

Bago pa nagsimula ang awarding, naririnig na namin doong sinabihan na raw ang mga winner na dumalo kaya ramdam na na­ming magwawaging Best Actor si Ogie Alcasid ng pelikulang Kuya Wes nang dumating ito kasama si Regine Velasquez.

Dumating din si Sanya Lopez na napakaganda sa kanyang white gown. Hindi nga raw niya alam kung saan siya nominado, pero pinapunta lang daw siya. Kaya ramdam din naming wagi rin siyang New Movie Actress of the Year.

Yun nga lang napagkamalan siya ng isa sa mga host na si Gelli de Belen na si Assunta de Rossi. Kinorek naman siya ni Iza Calzado na si Sanya iyun.

Sa kategoryang New Movie Actor of the Year ay nag-tie sina Danzel Fernandez ng Otlum at si Ryle Santiago ng Bakwit Boys. Tinalo nila ang bida ng Citizen Jake na si Atom Araullo.

Ang pelikula pa naman niya ang nagwaging Best Indie Movie at humakot din ng maraming awards kabilang na doon ang Best Director award kay Mike de Leon.

Ang Rainbow Sunset naman ang Best Picture na kung saan winner ding Best Director si Joel Lamangan.

Muling may hanash si direk Joel sa kanyang acceptance speech tungkol sa kakulangan ng pagtangkilik ng mga mano­nood sa pelikulang lokal.

Sayang at no show ang ibang winners kagaya ni Sarah na ka-tie si Kathryn. Walang nakapagsabi sa amin kung bakit hindi nakadalo ang bida ng Miss Granny.

Wala rin ang Best Supporting Actress Cherie Gil na nasa musical stageplay na Kundiman Party nung mga oras na yun.

Waley din ang nagwaging Best Supporting Actor Arjo Atayde na nasa Singapore pa pala kasama si Maine Mendoza.

Kaya hindi pa rin masasabing star-studded ang naturang awards night.

Naririnig ko ngang pinag-usapan ng dalawang kilala at beteranong aktor na ang layo raw ng mga awards night nung kapanahunan nila dahil talagang dinadaluhan ito at pinaghahandaan ng mga artista.

Samantala, touching ang segment nila na kung saan iginawad ang Natatanging Bituin ng Siglo bilang bahagi ng pagdiriwang ng Centennial of Philippine Cinema.

Pinaakyat sila sa stage na kung saan kinantahan sila ni Martin Nievera, at standing ovation ang lahat sa loob ng theater. Nakakapanindig balahibo ang eksena na iyun nang binigyan sila ng ganung pagpupugay.

Sobrang effort nga kay dating Sen. Ramon Sr. na naka-wheelchair na pero dumalo siya at kahit hirap magsalita, nagbigay pa rin siya ng acceptance speech dahil sobrang saya raw niya na hindi pa siya nakakalimutan sa showbiz.

Kaya naman suportado siya ng mga anak niyang pinangunahan ni Sen. Bong kasama sina Cong. Strike Revilla, Rowena Mendiola at Dianne Bautista.

Bukod sa major awards, nandiyan pa rin ang ilang special prize na ibinigay sa mga dumalo.

Siyempre Star of the Night sina Iza at Robi Domingo na host din doon. Happy na si Iza dahil may cash prize daw ito.

Meron ding special prize sina Heaven Pe­ralejo at Grae Fernandez na napakaguwapo nung gabing iyun.

Kapansin-pansin naman ang mukha ni Arci Muñoz na parang may ipinaretoke na naman yata siya.

Hindi ko lang sure kung sa ilong o labi dahil parang may nabago.

Dumating nga siya roon na naka-mask na kung saan may  takip ang bandang baba ng mukha niya. Kaya hindi nakilala ng mga fans kung sino ang dumarating. Gusto sana nila magpa-picture pero hindi nila nakilala. Sabi naman namin sa kanila, baka hindi pa rin nila makilala kahit wala na itong mask.

Isa rin sa mga hosts si Aljur Abrenica, na laging nasa tabi lang at pinag-aaralan ang spiels niya. Kaya lang hindi lang magandang tingnan na lagi siyang nakatingin sa cue cards niya.

Kinarir naman nang husto ni Kathryn ang hosting niya nung gabing iyun dahil natatakot daw siyang magkamali.

“Nakita nyo, walang buckle,” pagmamalaki ni Daniel.

“Nag-speech lesson pa yan…kanina bago pumunta dito gusto niya walang mamali, walang maling bigkas.”

vuukle comment

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with