Kilalang female personality walang tinitira sa sarili pag in love!
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - June 3, 2019 - 12:00am

Mismong mga kaibigan na ng isang kilalang female personality ang nagpapatotoo na wala siyang kasuwerte-suwerte sa pakikipagrelasyon. Bigay-todo kasi siyang magmahal.

Lahat-lahat ay ibinibigay niya sa pakikipagrelasyon, wala na siyang itinitira para sa kanyang sarili, kahit ang mga mahal niya sa buhay ay nalulungkot kapag nakikipagrelasyon siya.

Kuwento ng aming source, “Di ba, kasabihan na nga natin na kung saan maligaya ang kaibigan natin, e, du’n na rin tayo? Hindi naman kasi natin maibibigay ang kaligayahang hinahanap niya.

“Pero sa case ni ____(pangalan ng pamosong female personality), e, hindi ganu’n ang sinasabi ng mga taong nagmamahal at nagmamalasakit sa kanya. May nararamdaman silang lungkot.

“Tama, maligaya nga siya, pero paano naman ang ibang mga taong nakaabang din sa kanyang pagmamahal? Marami siyang napababayaan kapag may boyfriend siya. Ang magulang niya, ang mga anak niya, kapos na kapos siya ng atensiyon at pagmamahal sa mga taong ‘yun kapag may karelasyon siya!

“Para siyang kabayong may tapa ojo, wala siyang ibang nakikita, wala siyang ibang tinututukan kundi ang karelasyon niya. Ilang ulit nang nangyari ‘yun, pero wala pa rin siyang pinakikinggang mga payo, larga lang siya nang larga!” madiing buwena-manong kuwento ng aming impormante.

Kapag wala siyang karelasyon ay napakasaya ng mga tao sa kanyang paligid. Nabibigyan kasi niya ng atensiyon ang mga ito, palagi niyang kasama, kabaligtaran ng senaryo kapag may boyfriend siya.

Sabi uli ng aming source, “Sabihin na nating selfish sila, sabihin na nating wala silang pakialam sa personal na happiness ng female perso­nality, pero ‘yun ang totoo.

“At siya rin naman kasi ang may kasalanan kung bakit. Buong buhay ang itinataya niya sa pakikipagrelasyon, napababayaan na niya ang lahat-lahat, masyado siyang in-love with love!

“Sana nga, e, matuto siyang magbalanse ng buhay niya. Makipagrelas­yon man siya, e, wala dapat nasasabi ang mismong family niya!

“E, sa lola na nila naglakihan ang mga anak ng girl, halos wala siyang kapuhu-puhunan sa mga bata, dahil walang pahinga ang puso niya sa pakikipagrelasyon!

“Aray ko! Aray ko lang ang masa­sabi namin sa sobrang pagmamahal na ibinibigay ng girl na ito sa mga nakakarelasyon niya. At ano ang ending, di ba, palagi siyang luhaan?” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Alex kailangan ng gwardya ang dila at bibig 

Si Alex Gonzaga ang ginawang pulutan sa isang malaking umpukan isang gabi. Hiling ng lahat ng mga nandu’n ay natuto na sana siya sa mga pinagdadaanan niyang kontrobersiya kailan lang.

Hindi naman mahirap na bantayan ang dila at bibig bago magbitiw ng mga salita, pero mukhang iba kasi ang ginagawa ng young singer-actress, nauuna ang pagsasalita niya bago siya mag-isip.

Hindi simple ang nangyari sa kanya, marami siyang dapat alagaan na ang kanyang imahe ang puhunan niya, tulad ng paggawa ng mga TVC.

Magdadalawang-isip ang mga ahensiya sa pagkuha sa kanya bilang endorser kapag negang-nega siya sa social media. Malaking-malaki ang mawawala sa kanyang bulsa sa ganu’ng sitwas­yon.

Saka huwag masyadong maging patola sa bashers. Naging pang-araw-araw na panghimagas na lang ng mga ito ang pambibimbang sa mga personalidad na tulad niya, kaya huwag na niyang pansinin ‘yun.

E, ano ngayon kung natalo si Daddy Bonoy nu’ng nakaraang eleksiyon, sila lang ba ang pamilyang nalulungkot ngayon, napakaraming hindi nagwagi sa laban.

Saka ang buhay naman ay pala­ging nagbibigay sa atin ng magkahalong lungkot at saya. Hindi naman tayo nananalo sa lahat ng panahon, may mga kabiguan ding nangyayari, depende na lang ‘yun sa kung paano natin tatanggapin ang senaryo.

Ang mahalaga ay ang mga leksiyon na napupulot natin sa pagkadapa, ‘yung pilat na ‘yun ang nagpapaalala sa atin na huwag na sanang maulit pa ang nangyari, dahil nalampasan na natin ang pagsubok.

Konting renda lang ng dila, mahirap bawiin ang mga salitang nabitiwan na, milyon mang pagso-sorry ang gawin natin ay hindi na nu’n mababago ang sitwasyong nakapanakit tayo ng kapwa.

LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with