^

PSN Showbiz

Arnell at Bayani klinaro ang pagsama sa biyahe ni Pres. Digong

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Arnell at Bayani klinaro ang pagsama sa biyahe ni Pres. Digong
Arnell and Bayani

Kararating lang ni Arnell Ignacio galing Japan nang tinawagan ko para kumustahin ang pagsama niya kay Pres. Rodrigo Duterte sa Japan.

Nilinaw ni Arnell na hindi siya kasama sa grupo ng mga artista na nag-perform doon.

“Sa business delegate ako eh. Business dele­gate ang ID ko,” pakli ng da­ting OWWA deputy administrator.

Kaya raw siya sumama sa biyahe ng presidente dahil dinala raw niya roon ang negosyo niyang Hair System Creatives na kung saan naka­hanap naman daw siya ng bagong partners.

Muli niyang nilinaw na siya ang nagbayad ng ticket niya at hotel pa-Japan dahil sa negosyo niya.

Mas gusto raw niya kasing mag-focus na lang sa negosyo niya ngayon at tuwang-tuwa siya dahil fruitful naman daw ang pagsama niya sa presidente.

“Ang galing ni Presidente, parang salesman siya talaga. Kung napanood nyo lang mga speeches niya lahat, kung ikaw investor mapapa-invest ka talaga sa Pilipinas,” puri pa ni Arnell sa ating pangulo.

Pero ang tinanong ko talaga sa kanya ay ang grupo ng entertainers doon sa Japan na naging isyu pa sa social media dahil sa sinasabi ni Dianne Medina na sila ang nagbayad ng ticket nila papuntang Japan.

Pero nakita naman sa program ng Meeting with the President na performers pala sila roon.

“Hindi lang nila na-handle nang mabuti yan eh. Kasi ano naman ang masama kung sasagutin ng gobyerno ang ticket nila, pati hotel?” sabi sa amin ni Arnell.

Kahit nung mga nakaraang presidente, may isinasama talaga silang mga performers sa ilang State Visit para magbigay ng entertainment sa mga kababayan nating OFW doon.

Hindi lang daw niya alam kung ano ang arrangement nang pagsama ng mga artista, pero sana nasagot daw nila ito nang maayos na hindi defensive ang dating, gaya ng ipinu-post ni Dianne Medina.

Samantala, iyon din ang nilinaw ni Bayani Agbayani na kasama sa grupo ng mga artistang pumunta roon sa Japan.

Sabi ni Bayani, hindi raw niya masagot ang sa ibang artista, dahil hindi raw niya alam kung paano sila nakasama.

Ang sa kanya raw kasi, isinama siya ng staff ni Sen. Bong Go dahil noon pa man ay kasama na talaga si Bayani sa grupo ng bagong halal na senador sa mga kampanya nito.

“Akala ko blowout sa amin, yun pala magtatrabaho kami. Kaya sabi ko kay Lenlen, matuwa na lang tayo dahil nakita naman tinitipid talaga nila.

“Ah baka nga buwis ng taumbayan ang ginastos sa amin, kaya tinitipid kami. Eh, mag-i-entertain kami dun. Alangan naman ako pa ang magbayad ng economy na ticket ko eh mag-entertain nga kami dun. Saka ang mura-mura kaya ng ticket sa eroplano pa-Japan,” deretsong pahayag ni Bayani.

Nilinaw niyang Economy ang ticket na ibinigay sa kanya at ibinili niya ng ticket ang asawa niyang si Lenlen.

Aware siyang naba-bash ng netizens sina Dianne dahil sa ipinu-post nila at parang ang defensive nang dating na sinasabi nilang sila ang nagbayad ng ticket nila.

Ang alam daw niya si Dianne lang talaga ang kasama, pero siya lang daw kasi ang nag-iisang girl kaya ibinili raw niya ng ticket ang boyfriend na si Rodjun Cruz para may kasama siya.

“Sabi ko nga sa kanila, dapat sinasagot niyo ng tama ang bawat tanong.

“Kung ano yung tanong, iyun ang sagot.

“Kasi hindi naman puwede na ikaw pa ang magbabayad ng pamasahe mo, tapos ikaw pa ang magpi-perform, ano ka tanga?

“Normal naman yun eh,” deretsong pahayag ni Bayani.

Nilinaw niyang wala silang talent fee, pero okay lang daw iyun kaya dapat nga namang sagutin na ang pamasahe at hotel nila.

Ang sure lang ni Bayani na hindi nagpalibre ay si Robin Padilla.

“Si Robin, siya nagbabayad ng sarili niya eversince, pati sa campaign, siya ang nagbabayad.

“Kahit nung campaign namin kay Kuya Bong Go, siya ang nagbabayad,” sabi pa ni Bayani.

Kaya raw naging isyu yan dahil marami raw talagang namba-bash laban sa presidente dahil mga kandidato raw nito ang nagwagi sa nakaraang eleksyon.

“Siyempre, ang dami lang naiinis sa kanila kay Tatay Digong, kasi lahat na kandidato niya nanalo,” dagdag na pahayag ni Bayani.

Dingdong tuwang-tuwa sa feedbacks ng Amazing Earth

Sa San Jose sa Tarlac ang pinuntahan ni Dingdong Dantes na napanood sa Amazing Earth kagabi.

Tuwang-tuwa ang GMA Primetime King dahil pawang positibong feedback ang natatanggap nila sa infotainment program na ito. Kaya kahit napapalayo siya sandali sa pamil­ya niya, tinitiis na lang niya dahil inspired siya sa programang ito.

Kaya consistent na mataas ang rating nito dahil marami ang natutuwa na ipinapakita ng Amazing Earth ang kagandahan ng Pilipinas.

Kaya sa first anniversary nito ngayong buwang ito, ipi-feature nina Dingdong ang Calauit Safari Park sa Palawan.

Nilipad ng actor/TV host ang naturang lalawigan para personal niyang bisitahin ang game reserve at wildlife sanctuary na Calauit.

Kaya abangan itong espesyal na episode nila sa Calauit para sa unang taong anibersaryo ng Amazing Earth.

vuukle comment

ARNELL AT BAYANI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with