Misis ng kilalang male personality, hindi pa makaalis sa ibang bansa dahil sa isyu!
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - June 2, 2019 - 12:00am

May pagkasensitibo ang kuwentong ito. Puwedeng eksakto ang mga detalye, pero puwede rin namang may mga sobra at kulang, pero naninindigan ang mga kababayan nating naninirahan sa ibang bansa na totoo ang istoryang kinasasangkutan ng isang kababayan nating kilalang-kilala dito ang mister.

Kuwento ng isang source, “Totoong nakulong ang girl nating kababayan sa bansang ‘yun, pero pagkatapos nang mahaba-habang panahon, e, nakalaya na rin siya.

“Pero hindi siya puwedeng lumabas sa lugar na ‘yun, close monitoring sa kanya ang mga authorities, kapag tumunog ang suot niyang anklet, kailangan niyang mag-report agad sa police headquarters.

“Parang ‘yung nangyari nu’n sa isang male personality na nakulong din sa city na ‘yun? Ilang taon na siyang nabubuhay nang wala sa kulungan, pero hindi pa rin siya makaalis, dahil kailangan niyang mag-report sa police.

“Kapag tumunog ang anklet, sign na ‘yun na kailangan siyang mag-report para malaman ng mga otoridad na nasa city lang siya. Ganu’n ang sitwasyon ngayon ng wife ng isang kilalang-kilalang male personality dito sa atin,” simulang kuwento ng aming impormante.

Maselan ang itinuturong dahilan kung bakit napiit ang ating kababayan, may kinalaman ‘yun sa usa­pin ng pananalapi, may batas na hindi sinunod ang misis ng sikat na male personality.

Patuloy ng aming source, “Madalas makita ng mga Pinoy sa city na ‘yun ang husband niya, ang mga anak nila, sila na lang ang dumadalaw dahil hindi pa puwedeng umuwi ang wife ng sikat na lalaking personality.

“Walang nagawa ang mga connections nila sa kaso ng girl, kailangan siyang maparusahan, simple lang naman kasi ang kasong nagdiin sa kanya.

“It’s only a case of declaring what you have when you travel. Kumbaga, kailangang deklarado ang dala-dala mong pera kung napakalaki.

“’Yun ang hindi nagawa ng kababayan natin, kaya siya naparusahan. Pero isang araw, matatapos na rin ang kaso niya, sumusunod naman kasi siya sa mga batas na pinaiiral sa bansang kinaroroonan niya,” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

CRISTY FERMIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with