Grupo na kapos sa disiplina, ginawan ng malaswang kuwento ang female personality na nang-iwan sa kanila!
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - June 1, 2019 - 12:00am

Makapagpalusot lang. Mema lang. Mapagtakpan lang ang mga kalokohan. Ganu’n ang dating sa marami ng kuwentong tinatahi-tahi ngayon ng isang grupo ng mga kalalakihan dahil sa pagsuko sa kanila ng isang kilalang female personality.

Hindi na nga kinaya ng babaeng personalidad ang kawalan ng propesyonalismo ng grupong gusto sana niyang mas umangat pa ang pangalan.

Pero nakakaloka ang mga isyung kumakalat ngayon, ang female personality pa ang inilalagay sa alanganin ng mga miron ng grupo, siya pa ang iginagawa ng istorya ngayon.

Kuwento ng isang source, “Ang mga luko-lukong ‘yun! Para lang makapag­hugas sila ng kamay dahil sa pang-iiwan sa kanila ng female personality, e, meron silang drama ngayon!

“Kesyo type kuno ng female personality ang isang member ng grupo, kesyo hindi raw kasi siya pinatulan nu’ng guy, kaya siya biglang umalis! Nakakaloka naman ang mga bruhong ‘yun!

“Hindi na lang kasi nila aminin na lumaki na ang ulo nila, akala nila, e, talagang sikat na sikat na sila at hindi na mawawala ang popularity nila!

“May nakalimutan ang tropang ‘yun, e. Paano naman sila magtatagumpay kung ganu’n sila na kapos sa disiplina? Ilang beses na bang napahiya ang female personality na tumutulong lang naman sa kanila?

“May show sila ngayong gabi, malinaw na sa kanila ang mga detalye, pero sa mismong gabi ng performance nila, e, bungi-bungi ang tropa! Kulang-kulang!

“At nakakaloka ang mga dahilan nila, ha? May napuyat kuno. May lagnat naman ang isa. May naligaw sa venue, meron ding umalis na raw ng bahay pero bakit wala pa rin?

“Aminin na lang kasi nila ang mga pagkakamali nila, hindi ‘yung ganyan na iginagawa pa nila ng kuwento ang taong wala namang inasam kundi ang makita silang nagtatagumpay!

“Tantanan na ang mga kuwentong hindi naman kapani-paniwala, huwag na silang gumawa ng istoryang baka pag-awayan pa ng mag-asawa!

“Naku, hanggang d’yan na lang talaga ang tropang ‘yun! One-hit-wonder lang sila, ‘yun na ‘yun, dahil sa ilusyon nilang sikat na sikat na sila! Ex na lang sila talaga, ex singers!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Kaya halos isumpa ang showbiz, John Lloyd nabiktima ng burnout!

Binawi na ng World Health Organization ang nauna nilang ipinahayag na ang pagiging burnout ay isa nang medical condition. Hindi, sabi nila sa pagtutuwid sa balita, work-related lang ang pagiging burnout.

Hindi ‘yun sakit, hindi malaking problemang dapat lang lapatan ng lunas, kundi kakambal lang ng rutinaryong trabaho na nakasanayan na nating gawin sa araw-araw.

Isang malaking busina ‘yun na kapag hindi na tayo masaya sa ating mga ginagawa at sawang-sawa na tayo sa ikot ng ating buhay sa maghapon ay kailangan na na­ting humingi ng pahinga.

Karaniwang nangyayari ang ganu’n sa mga artista. Maghapon silang magtatrabaho na inaabot pa nga nang madaling-araw kinabukasan. Ipa-pack-up sila, pero ang call time nila ay umaga rin nu’ng araw na ‘yun, kapos na sila sa tulog at pahinga ay stressed na stressed pa sila sa oras para bumalik uli sa set ng kanilang trabaho.

Du’n nag-uugat ang unprofessionalism. Nasa puso nila ang pagmamahal sa kanilang career, pero dahil pagod na pagod na ang kanilang lupang katawan, nakakagawa sila ng mga kapalpakan.

Ang nangyari kay John Lloyd Cruz ay hindi na nakapagtataka. Siya lang ang naunang lumiban sa kanyang kinagisnang trabaho pero siguradong maraming kasamahan niyang personalidad ang gusto rin munang makatakas sa rutinaryo nilang trabaho sa araw-araw.

Parang pagkain lang. Kapag araw-araw ay pork ang kinakain natin, natural lang na maghanap naman tayo ng ibang putahe, ‘yung mananamnam ng ating panlasa na sawang-sawa na sa puro pork.

Kailangan ng bakasyon ng mga doktor, abogado, inhinyero, at ang mga artista ay hindi naiiba sa kanila. Hindi puwede ang tuluy-tuloy na puyatan  at pagharap sa mga camera, kailangan nilang makahinga, para hindi sila palaging nabubugnot at nakasimangot.

Kapag marami nang naaapektuhan sa ugali ng tao sa linya ng kanyang propesyon ay meron na siyang kailangang gawin, may hinahanap na ang kanyang katawan, ang pansamantalang pagliban sa ‘yun at ‘yun ding trabaho sa bawat araw.

JOHN LLOYD CRUZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with