Arnell Ignacio
Arnell bibigyan uli ng posisyon?
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - May 30, 2019 - 12:00am

Kasama si Arnell Ignacio sa pagdalo ni Pres. Duterte sa 25th International Conference on the Future of Asia in Tokyo at pakikipagkita nito with Japanese Prime Minister Shinzo Abe.

Nagulat nga raw ang dating Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) deputy administrator na hindi pa natatagal nang mag-resign sa position na kasama pala siya sa nasabing trip ni Pangulong Duterte at mga cabinet secretary nito.

Speaking of Arnell, magkakaroon na rin ito ng digital show sa Pilipino Star NGAYON Facebook Page na mapapanood simultenously sa One PH ng Cignal TV. Next week na malalaman ang buong details ng nasabing game show na mamimigay ng papremyo sa mga manonood.

Matagal ding napahinga si Arnell sa pagho-host matapos nga siyang bigyan ng position ng Pangulo sa pamahalaan na matapos mag-resign ay na­ging busy sa kampanya para sa Juan Movement Partylist na sadly ay hindi nakalusot.

Teka ang biyahe kayang ito sa Tokyo ang sign na na bibigyan uli siya ng posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte?

ARNELL IGNACIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with