Aktres ‘di malilimutan ang ginawang pagsalo sa responsibilidad ng nanay
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - May 30, 2019 - 12:00am

Ilang tulog at gising na lang ay pasukan na sa eskuwela. Binigyan lang ng patikim na bakasyon ang mga bata, hindi man lang sila nainip, dahil sa isang linggo ay pasukan na naman.

Isang gabi ay pinagpistahan sa kuwentuhan ng magkakaibigang taga-showbiz ang nakaraang sitwasyon ng mga anak ng isang pamosong aktres habang nag-aaral.

Kuwento ng isang source sa umpukan, “Sobra ang dinanas ng mga batang ‘yun habang nag-aaral sila. Palaging hindi nakababayad ng matrikula ang mga bagets, hindi sila naaasikaso ng guardian nila.

“Sumusulat naman ang school sa mommy nila, pero parang walang sagot, kaya ang nagsa-suffer, e, ang mga bagets dahil hindi sila nakakakuha ng exam.

“Sa awa ng owner ng school, e, pinakukuha na rin sila ng exam, puro promisory note ang dahilan. Naku, nakakaawa ang mga batang ‘yun,” unang kuwento ng aming impormante.

May trabaho na ang kanilang ate, kumikita na, kaya ito ang nagpupunta sa eskuwelahan para makiusap sa principal.

“Kapag wala pa siyang pambayad sa tuition fee ng mga kapatid niya, e, siya ang pumipirma sa promisory note. Kapag meron na siyang pambayad, siya mismo ang nagpupunta sa school para sagutin ang matrikula ng mga kapatid niya.

“Napakabait ng ate nila, kung tutuusin, e, hindi naman siya ang dapat mamroblema sa tuition fee ng mga utol niya, pero napakaresponsable niyang ate.

“Ang suwerte-suwerte talaga nu’ng female personality sa pagkakaroon ng anak na very responsible. Batambata pa siya nu’n, pero siya na ang tumitingin sa mga kapatid niya.

“Palipat-lipat nga ng school ang mga bagets, e. Kasi nga, hindi sila nakapagbabayad ng matrikula. Buti na lang at nu’ng kumikita na ang ate nila, e, siya na ang sumagot sa pag-aaral ng mga kapatid niya.

“And take note, hindi sila tunay na magkakapatid, ha? Kung saan-saan sila nanggaling, wala silang relasyon kahit isang patak ng dugo lang, pero nagmamahalan sila.

“Itatanong n’yo pa ba kung bakit hindi pa rin maayos ang relasyon ni ate at ni mommy hanggang ngayon? Marami nang nagtangkang pagkasunduin sila, pero walang nangyari, lumayo na nang lumayo ang loob ng anak sa mommy niya.

“Sabi ng malalapit sa mag-ina, e, himala ang kailangan para magkasundo na sila, sa totoo lang,” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

LT parang may lahing bampira

Komento ng mga tumututok sa Take It... Per Minute, (Me Ganon) ay may lahing bampira raw si Lorna Tolentino. Panahon lang kasi ang umuusad sa kanya, hindi ang kanyang hitsura, hanggang ngayon ay napakaganda pa rin ni LT.

Katabing-katabi namin si LT habang iniinterbyu namin siya nina Manay Lolit Solis at Mr. Fu. Halos magkapalitan na kami ng mukha sa lapit, kaya kitang-kita namin kung gaano kaganda ang aktres, para ngang may lahi siyang bampira dahil hindi siya tumatanda.

Tanggap ni LT na hindi na siya bumabata, kaya dobleng pag-iingat sa katawan ang kanyang ginagawa, tabain pa raw naman siya.

Nakabantay sa kanya ang bottled detox, ‘yun daw ang pinakatubig niya, anim na bote nu’n ang iniinom niya sa mag­hapon para mapabilis ang kanyang pagpayat.

“Hindi na ako tulad nang dati na basta may food, kain lang ako nang kain. Kapag nagkakaedad na tayo, kailangang nababantayan na natin ang food intake.

“Hindi na ako nagra-rice ngayon, puro salad na lang, vegetable salad ang pinakagusto ko. Kailangan na kasi, e,” nakangiting kuwento ng magandang aktres.

Hindi pagmumulan ng kahit anong issue si LT dahil marunong siyang magbantay ng kanyang bibig. Kahit anong tanong ang gawin naming tatlo sa kanya tungkol kina Coco Martin at Julia Montes ay palaging safe ang kanyang tugon.

Kahit sa kuwentong nagkakamabutihjan na sina Coco at Yassi Pressman ay alam na alam din ni LT ang kanyang isasagot, bantay-sarado siya sa kanyang bibig, kaya hindi siya mapupuno at madudulo ng tsismis.

LORNA TOLENTINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with