Gerald
Gerald, gustong bumalik sa Japan para kumain
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - May 29, 2019 - 12:00am

Hinding-hindi raw makalilimutan ni Gerald Anderson ang kanyang naging karanasan sa Japan kamakailan. Nagpunta ang aktor sa bansa kasama si Julia Barretto para sa shooting ng pelikulang Between Maybes.

“I had a great experience kung saan kami nag-shoot. Very quiet and masarap ‘yung pagkain and maganda ‘yung kultura. It’s the culture, everyone was friendly, nagtutulungan, malinis ‘yung lugar talaga,” pagbabahagi ni Gerald.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto muling bumalik ng binata sa Japan dahil sa da­ming klase ng mga pagkaing pwedeng pagpilian dito. “Well number one reason talaga ‘yung food. Masarap ‘yung Saga beef, sa Saga kasi kami nag-shooting eh. Pati sushi, sashimi, lahat ‘yan kinakain ko. Lahat kinakain ko. Fukuoka was nice. Kasi maliit ‘yung Saga so we had one day and pumunta kami sa Fukuoka na medyo big city. So it was a different environment, ”  kwento ng aktor.

Bukod sa Japan ay may ibang bansa pa na gustong mapuntahan si Gerald kapag mabibigyan ng pagkakataon. “Gusto ko pa mag-dive with the great white (sharks) na hindi ko pa nagagawa. Nakapag-dive ako with sharks but with great whites hindi pa. Wala lang time, naghahanap ako ng great whites. Ibang experience din ‘yan,” giit ng binata.

Samantala, malapit nang mapanood muli ang aktor sa isang bagong teleserye ng ABS-CBN. “May soap (opera) ako ipapalabas very soon at tini-tape namin ngayon. It’s something very physical and very dramatic and it’s about family. It’s about friendhip and it’s about brotherhood,” pagtatapos ni Gerald.

Pokwang, napasayaw sa digital film

Walang maliit o malaking proyekto para kay Pokwang. Ayon sa komedyana ay talagang tinatanggap niya ang isang acting project kapag maganda ang istorya nito. Nagbida si Pokwang sa short digital film na Napaano Ka Arna na bahagi ng Lights Camera Action video making competition ng Star Magic.

“Bilang artista, umabot na ako sa punto na walang maliit o malaking pelikula. Kapag nakita mo na ang ganda ng kuwento, alam mong marami kang magigising na tao. Lumabas ka sa kahon bilang artista,” paliwanag ni Pokwang.

Isang magandang karanasan umano para sa aktres ang paggawa ng isang digital film dahil kakaiba rin ang kanyang ipinamalas dito. “Isang buong araw po kami nag-shoot. Masayang-masaya po ako dahil napasama ako sa project na ito. Hindi lang sayaw ang ipapakita namin dito kundi isang magandang kwento,” paglalahad ni Pokwang. Kasama ng aktres bilang mga bida sa nasabing digital film sina Patricia Rivera at Zeus Collins.(Reports from JCC)

GERALD ANDERSON POKWANG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with