Jake & Kylie
Jake hindi pa rin handang mag-asawa?!
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - May 29, 2019 - 12:00am

At 31, masasabing isang ladies’ man ang Kapamilya actor na si Jake Cuenca dahil mahaba na ang listahan ng kanyang mga naging kasintahan sa showbiz.

Naging girlfriend ni Jake ang dating Kapamilya actresses na sina Melissa Ricks at Roxanne Guinoo. Nariyan din sina Bea Alonzo at Jessy Mendiola bukod pa sa Kapuso singer-actress na si Lovi Poe, Sam Pinto at ang mo­delong si Sara Grace Kelley.  But lately, ang hunk actor ay kasintahan ngayon ng 2016 Bb. Pilipinas-International at crowned 2016 Miss International na si Kylie Verzosa (27). Ang dalawa ay nagkalapit sa set ng kanilang pinagsasamahang afternoon TV series na Los Bastardos.  Pero hindi pa rin malinaw kung si Kylie na nga ang `the one’ para kay Jake na mukhang hindi pa ready na sumabak sa pagkakaroon ng sariling pamilya

Eddie libreng magpalundag-lundag ng istasyon

Ang 20-year-old Kapuso young star na si Gabbi Garcia ang pangunahing bida ng upcoming GMA primetime TV series na Rosang Agimat na pamamahalaan ng action director na si Toto Natividad na siya ring nagdirek ng recently concluded TV series na Cain at Abel na pinagbidahan nina Dingdong Dantes at Dennis Trillo.

Ang Rosang Agimat ay magsisilbing comeback project ng veteran and award-winning actor-director na si Eddie Garcia na huling napanood sa toprating and long-running action-drama TV series ng ABS-CBN, ang FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Tulad ng ibang veteran actors, ang 90-year-old actor ay nakakontrata on a per project basis lamang kaya puwede siyang tumanggap ng proyekto sa rival network.

Ang Rosang… ay isa nang lumang proyekto na dapat sana’y gagawin ni Rhian Ramos nung taong 2007 pero ito’y isinantabi muna at pagkatapos ng 12 taon ay saka ito natuloy.

KC hirap sa LDR

Pinabulaanan ni KC Concepcion na hiwalay na sila ng kanyang French businessman boyfriend na si Pierre Emmanuel Plassart dahil walang mga bagong post na litrato ang panganay ng estranged couple na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Kung tutuusin, mahirap mag-maintain ng LDR (long distance relationship) tulad ng sitwasyon ngayon nina KC at Pierre.  Si KC ay naka-base sa Pilipinas at nasa Amerika naman si Pierre.

Malamang na naghihintay na lamang si KC ng proposal mula kay Pierre dahil handa na rin itong magkaroon ng sarili niyang pamilya sa edad na 34.

Although nariyan ang jewelry business ni KC na  Avec Moi by Kristina na siya mismo ang nagdi-design, hindi ikinakaila ng panganay na anak ni Mega (Sharon) na nami-miss niya ang acting na limang taon na rin niyang hindi nagagawa.

Bukod sa acting, si KC ay isa ring mahusay na singer, dancer at host.

Ano kaya’t magkaroon sila ng reunion movie project ng kanyang ex-boyfriend na si Piolo Pascual o ‘di kaya si Paulo Avelino?

Anita Linda pinakamatanda sa lahat ng artista

Although si Anita Linda (94) ang pinakamatanda among the active actors, pumapangalawa sa kanya ang 90-year-old na si Eddie Garcia at pa­ngatlo naman ang 85-year-old na si Gloria Romero followed by Tony Mabesa at 84. 

Napakasuwerte ng mga nabanggit na veteran actors dahil sa kabila ng kanilang edad ay kaya pa nilang mag-memorize ng kanilang lines at umarte sa harap ng kamera.

Since magtatapos na ang political career ng actor-turned politician, ang dating Pangulo at outgoing mayor ng Maynila na si Joseph `Erap’ Estrada (82), puwede siguro nitong balikan ang kanyang showbiz career habang kaya pa ng kanyang katawan at kaya pa niyang umarte.

Isa si Anita Linda sa sampung ICON Awardee ng Society of Entertainment Editors (SPEEd) para sa gaganaping The 3rd Eddys sa July 14.

JAKE CUENCA KC CONCEPCION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with