^

PSN Showbiz

Nanganak nga ba? Julia nagparamdam na!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Nanganak nga ba? Julia nagparamdam na!
Julia Montes

Oh nagparamdam na si Julia Montes sa social media.

Sumali na siya sa maraming artista na napasikat at yumaman sa ABS-CBN bilang celebration ng 65th anniversary ng network. “Maraming Salamat po sa istasyong patuloy na tapat na nagseserbisyo at nagpapasya sa ating mga Kapamilya saan ma’ng sulok ng mundo... Salamat din po na sa 65 years ay isa po ako sa binuo n’yo ang mga pangarap... Maraming salamat sa lahat ng oportunidad na ibinigay ninyo sa akin para mapakita ang kon­ti pong kakayahan kong binigay ng Diyos... Salamat pong muli KAPAMILYA,” post ni Julia gamit ang logo ng Kapamilya Network sa kanyang Instagram account.

March 11 pa ang huling post ni Julia sa kanyang social media account na matagal nang ‘wanted’ dahil sa isyung diumano’y nagluwal siya ng baby na ang pinagbibintangang ama ay si Coco Martin.

Pero parehong nanahimik ang kampo nina Coco at Julia sa nasabing balita hanggang sa kasalukuyan.

Asintado ang huling TV show ni Julia sa ABS-CBN na sinasabing inayos ang dual citizenship sa Germany, ang bansa ng kanyang ama kaya matagal na nawala sa limelight pero ayaw kagatin ng mga nagsasabing diumano’y may baby na ito.

Sign na kaya ito na babalik na sa eksena si Julia?    

vuukle comment

JULIA MONTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with