^

PSN Showbiz

Bong at Lani may bagong apo!

SHOWBIZ GANERN! - Pilipino Star Ngayon
Bong at Lani may bagong apo!

Congratulations kina Lolo Bong Revilla at Lola Lani Mercado sa kanilang bagong apo.

Ipinost ni Mayor Lani Mercado sa kanyang Facebook account ang mga kuha nila sa Makati Medical Center na kung saan doon iniluwal ng panganay nilang babae na si Inah Bautista del Rosario ang pangatlong anak nila ni Vince del Rosario.

Sabi niya sa kanyang FB account; “May bagong regalo ang Panginoon sa amin. Ang aming bagong apo, Mikael Domingo Bautista del Rosario. May 25, 2019 sa ganap na 11:16 ng umaga pagkatapos ng 14 na oras ng paghihintay sa wakas lumabas na rin siya! Congrats kay Vince at Inah sa kanilang ika-3 supling! Congrats din kay Ate Alexa and Kuya Inigo! #BagongApo #Momsieadventures”

Narinig ko pa nung nakaraang Miyerkules, May 22 pagkatapos ng proclamation ni Sen. Bong, dinala na pala sa hospital si Inah dahil malapit na raw itong manganak.

Kahit sa Davao na naka-base sina Inah at Vince, dito sa Maynila gusto ni Inah manganak para kasama niya ang pamilya niya. Gusto niyang si Mayor Lani ang nag-aalaga sa kanya sa hospital.

Sabi naman ni Sen. Bong, dagdag na blessings sa kanila ang pagdating ng bagong apo pagkatapos niyang manalo sa nakaraang eleksyon.

Kaya congratulations kina Sen. Bong at Mayor Lani sa kanilang bagong apo.

Pelikula sa La Union kailangan ng gimik para pag-interesan

Malapit nang matapos ang summer pero bongga ang pa-abs at pagandahan ng katawan nina Kiko Estrada, Ruru Madrid, Derrick Monasterio, David Licauco, Enzo Pineda at Teejay Marquez na kuha sa La Union para sa pelikula nilang G! LU o Go! La Union.

Ayaw paawat ang mga pandesal ni David sa tiyan dahil dalawang beses daw siyang mag-workout kaya naman natsa-challenge din sina Derrick, Enzo, Kiko at Ruru kaya panay din ang post nila sa kanilang Instagram ng ginagawa nila sa gym.

Hindi maiwasang magpatalbugan sila sa pelikulang ito pero sabi naman ni Kiko, “Sabi sa amin, lahat kami, bida! Maganda naman po yung role. Ako rito ang nagna-narrate. Ako yung thread.”

Hindi maiwasang merong madehado sa exposure pero hindi naman daw nila ito iniisip.

Baka nga ang ending, mapansin daw dito si Teejay na kakaiba raw ang role.

Bukod sa hunks ng bagong henerasyon, hindi rin magpapatalo ang sexy babes ng naturang pelikula na sina Michelle Dee, Katarina Rodriguez, Sophia Senoron, Kimi Mugford at Chanel Morales.

Sa June daw target na playdate nito. Kaya ngayon pa lang ay may mga patikim na sila sa social media.

Sana makapag-isip sila ng magandang promo para magkainteres ang mga taong panoorin ito.

Xian gusto na ring magsulat

Halos patapos na pala ang entries sa Cinemalaya 2019, kagaya ng

pelikulang Tabon na first directorial job ni Xian Lim.

Bukod sa pagiging direktor, gusto raw talaga ni Xian na mahasa ang

pagiging manunulat niya na impluwensya ng kanyang inang isa ring writer.

Dating nagsusulat sa mga programa sa RPN 9 ang Mommy ni Xian at kuwento ng Kapamilya actor, nung nalaman daw ng Mommy niya na nagsusulat at magdidirek na ng pelikula, masayang-masaya raw ito.

“Gusto ko talaga magsulat kasi nakikita ko yung nanay ko nagsusulat siya eh. Si Mom ko kasi ang nag-write dati sa RPN 9 before.

“I tried writing, then finally when I knew na I had to take lessons, I had to take the proper training for it. Iba pa rin kung meron kang nagmi-mentor, and I knew si Sir Ricky (Lee) yun,” masayang pahayag ni Xian nang makatsikahan namin kamakailan lang.

“Alam mo yung nag-iba ang relationship namin ng Mom ko na alam mo ‘ay ginagawa na ng anak ko yung ginagawa ko dati.

“She’s very happy na I’m pursuing something na…I mean she always wanted this for me pero never naman niya in-impose na ‘gusto ko anak na magiging ganito ka ha?

“Ako, yung conscious effort ko na nag-seek out for help and look for proper training kaya tuwang-tuwa siya,” dagdag niyang pahayag.

vuukle comment

BONG REVILLA

LANI MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with