Gary gustong makausap si Jimmy!
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - May 26, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sadness ang naramdaman ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano sa mga pinakawalang pahayag ng singer na si Jimmy Bondoc na naging judge noon sa programa nila ni Martin Nievera na Twist and Shout.

At kung magkakaroon daw siya ng chance, gusto niya itong kausapin para marinig ang side nito.

Pero nag-a-agree si Mr. Gary kay Angel Locsin na isa sa mga unang nagtanggol sa Kapamilya Network nang magpahayag ang singer na hihintayin niyang magsara ang isang network.

Medyo humupa na ang nasabing isyu pero tuloy ang pagtatanggol ng mga Kapa-milya’ sa ABS-CBN na may konek nga sa hinihintay na franchise to operate ng ABS-CBN mula sa Congress.

Anyway, after ng matagumpay na US tour ni Mr. Pure Energy abala naman siya ngayon sa gaganaping Circuit Makati EVOLT International Dance Festival 2019, ang pinaka-malaki at pinaka-engrandeng dance festival ng Pilipinas.

Produced ito ng Istudyo Ni Pipay Co., ang EVOLT ay isang linggong event na mayroong libreng dance workshops na bukas para sa publiko; isang prestihiyosong dance competition kung saan kalahok ang iba’t ibang university-based at community-based dance groups mula sa maraming panig ng bansa kasabay ng night-bazaar na inayos ng The Common Good Market at isang concert extravaganza na pagsasamasamahin ang pinakamalalaking pangalan sa industriya ng entertainment.

Opisyal na magsisimula ang festival sa Hunyo 2 sa pamamagitan ng special performances mula sa online sensation at TV personality na si Lady Pipay at mula din sa mga kalahok ng dance competition ng event.

Ang mga hurado ng dance competition ay sina Julie Borromeo, Regine Tolentino, Ma­ribeth Bichara, Nancy Crowe, John Supan, at Frank Rivera. Lahat ng mga kalahok ay maglalaban-laban sa cash prizes na hihigit sa isang milyong piso sa kabuuan.

Ang award-winning concert director na si Paolo Valenciano ang magdidirehe sa main at culminating event ng festival na magaganap sa Hunyo 8 sa Events Open Ground ng Circuit Makati.

Pangungunahan ang konsyerto ni Gary V, na itinuturing na isa sa pinaka-matagumpay at pinaka-nagtagal na mainstream artist na talagang nagmarka di lang sa pop at inspirational music, telebisyon, at pelikula ngunit sa larangan din ng pagsayaw at isa rin siya sa mga hurado ng katatapos lamang na World Of Dance at isa sa mga host ng ASAP Natin ‘To; ng international R&B star at Filipino pride at isa rin sa mga A-List celebrity judges sa World Of Dance at regular host ng ASAP Natin ‘To na si Billy Crawford; si Mr. Pure Power at multi-awarded dance champion na si Gab Valenciano; at ng batang pop superstar na si Darren Espanto.

GARY VALENCIANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with