Marian Rivera
Marian busy sa paghahalaman, babalik na agad sa trabaho
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - May 25, 2019 - 12:00am

Busy ngayon si Marian Rivera sa paghahalaman.

Yup, after niyang manganak sa second baby nila ni Dingdong Dantes na si Ziggy na more than a month now, naghahalaman siya at sa Sunday mapapanood na siya sa plugging ng ini-endorse niyang kape sa Sunday Pinasaya.

Yup, back to work na ang Kapuso actress dahil sa mga endorsement niya.

Babalik na rin siya ng Tadhana and Sunday Pinasaya by July. Pagdating sa soap opera, pag may maganda raw na project, ok si Marian. Pero ang priority talaga niya ay mag-alaga ng dalawang anak na sina Zia and Ziggy.

Na kabaliktaran kay Dingdong dahil nga magiging busy ito sa Descendants of the Sun at pelikula with Star Cinema. 

MARIAN RIVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with