Angel Locsin
Angel at Jimmy healthy ang bangayan
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - May 25, 2019 - 12:00am

Bongga ang Jimmy Bondoc na ayaw paawat sa pagsagot sa mga bashing na tinatanggap niya. Talagang may time si Jimmy na sagutin ang lahat ng mga batikos sa kanya kaya napagbibintangan na siya na hindi busy.

Sagot din nang sagot si Angel Locsin at ang ibang mga artista sa careless Facebook post ni Jimmy tungkol sa isang television station na malapit nang magsara.

Makikita sa mga sagot nila ang paraan ng paglalabas ng steam ng bawat isa. Okey lang kapag  mga ganoong bagay ang  kanilang pinag-aawayan, pinagtatalunan  at sinasagot pero ang i-down at pintasan ang kapwa artista na walang ginagawa sa iyo na masama, ikaw na mismo ang sumisira sa tao.

Ang issues na pinag-aawayan nina Jimmy at Angel et al, kapwa sila may concern kaya pareho nila na inilalaban.

Kung sino sa kanila ang mas tama, malalaman  natin ang kasagutan in the end.

Healthy ang mga ganyan na palitan ng kuro-kuro, let out the steam, show your side pero ‘yung mga  tahimik at hindi kayo ginagalaw na kapwa artista, huwag ninyong siraan.

Ang mga artista na kasama ninyo sa iisang industriya, huwag  i-down at durugin. Sa panahon ngayon, dapat ipakita natin na solid ang showbiz para umangat tayo dahil ang victory ng isang miyembro, victory ng lahat kaya dapat magtulungan, huwag maghilahan pababa.

‘Huwag mainggit’

Sa buhay natin, dumarating ang panahon na nothing will impress or amaze you anymore but most of the time, there are things that will melt your heart.

Sabi nga nila, ang piso na ibinigay sa’yo at the time na kailangan mo is worth one million in your memory.

But usually, the law of life, ang ipinadarama mo na pagmamahal sa iyo, mas matindi kapag nasa level ka na nasa itaas ka na nakita ko nang maaga sa buhay ko kaya tanggap ko kapag sinasabi ng iba na  you will be accepted but will never belong.

May kilala akong tao na tinanong ko kung bakit mas malaki ang  inabot niya na abuloy sa isang artista na namatayan kesa sa pamilya ng namatay na utility boy.

Sabi ko,  bakit mas malaki ang inabuloy mo eh mas kailangan nitong isa ang pera?

Ang sagot niya, ‘Artista ito no, sikat. Syempre utility boy lang iyon.

Noon pumasok sa isip ko na  kapag bagong salta o pasok ka sa showbiz, konti lang at mura ang mga regalo na matatatanggap mo  pero kapag may name o sikat ka na, marami at mamahalin na gifts ang ibibigay sa’yo, isang masakit na reality ng life pero ito ang law ng buhay.

You are what they see you, you are what you are worth. Basta dapat na tanggapin na lang natin ang katotohanan na bukas ang mata at puso. Huwag mainggit, huwag magalit, huwag sasama ang loob.

Sabi nga, kahit magsuot ka  ng mga mamahalin na gamit pero hindi ka sikat o walang name, hindi ka papansinin.

Kahit magsuot naman ng sako ang isang mayaman at sikat na personalidad at basta may name, tiyak na pasado sa lahat. That’s life, parang buhay. Tanggapin na lang.

ANGEL LOCSIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with