Elisse Joson
Elisse negosyante na rin, pero pangarap maging doktor
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - May 25, 2019 - 12:00am

Mula pagkabata ay pinapangarap na ni Elisse Joson na maging isang doctor. Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gustong kumuha ng kursong Medisina ng aktres. “Sa life ko ngayon masaya ako sa kung ano ang nakukuha ko. Feeling ko enough po ‘yon for us. Pero kung mayroon akong isang pangarap na gusto kong matupad, gusto kong makapagtapos ng Medicine talaga. Kasi bata pa lang ako, ‘yung mom ko doctor, ‘yon ang kinalakihan ko. Interesado po talaga ako kung mabibigyan ng time. Kasi kailangan talaga doon naka-focus,” nakangiting pagbabahagi ni Elisse.

Sa ngayon ay walang kasintahan ang dalaga. Matatandaang naging kontro­bersyal ang paghihiwalay nila ni McCoy de Leon bilang magkasintahan noong isang taon. Hindi umano nagmamadali si Elisse upang magkaroon muli ng bagong karelasyon. “After mangyari lahat ‘yung na-heartbroken lahat, lagi kong sinasabi si­guro, ‘Elisse magdahan-dahan ka. There’s more to life than bugso ng damdamin. Dahan-dahan kasi marami ka pang oras para ma-in love at pagdahan-dahan mo, doon mas makakabuo ng mas malalim na pagmamahalan,” makahulugang pahayag ng aktres.

Samantala, bukod sa pagiging isang artista ay pinasok na rin ng dalaga ang pagnenegosyo. Isang bagong restaurant-bar na matatagpuan sa Mandaluyong ang binuksan ni Elisse.

Maris at Inigo,  kanya-kanya  muna ng trabaho

Kapansin-pansin na hindi na masyadong nagkakasama sina Maris Racal at Inigo Pascual sa mga proyekto ngayon. Nakilala ang tambalan ng dalawa bilang MarNigo at ngayon nga ay may kanya-kanya na silang pinagkakaabalahan.

“May changes na lang over one year. Kasi this time last year very love team, daming ganap together. Ngayon kasi may iba-iba kaming gusto,” paglilinaw ni Maris.

Para sa aktres ay hindi dapat ikalungkot ng mga tagahanga ng kanilang tambalan ni Inigo na hindi na sila nagkakasama nang madalas. Umaasa rin si Maris na patuloy silang susuportahan ng mga nagmamahal sa kanila ng aktor. “Masasabi ko na lang diyan sana ‘yung nagsu-support sa amin, support n’yo na lang kung ano ‘yung ilalabas namin. Kasi kung magiging masyadong invested sila about relationship, you know, people change and maraming natural changes na nangyayari. So dapat kailangan nakaka-keep up ka sa ganyan. Don’t get stuck sa idea na ganyan,” mensahe ng dalaga sa MarNigo fans.

Iginiit din ni Maris na kahit sobrang lapit nila ni Inigo noon ay hindi naman sila naging magkasintahan. “Sinabi naman namin ni Inigo na hindi naman kami. Ngayon lang talaga siguro ayaw lang namin na sobrang visible together as a love team. Kasi may tinatahak din kami na iba-ibang gusto. Siya music, international and then ako acting and then writing. So very iba. Ayaw lang namin na sobrang ‘yung tao sa paligid namin hindi mapaghiwalay ‘yung idea for us together. Kasi mahihirapan din kami. How will we grow?” pagtatapos niya.      (Reports from JCC)

ELISSE JOSON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with