Drew Arellano at mga anak
Drew nabuwisit sa mga nagpi-picture sa mga anak
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - May 25, 2019 - 12:00am

Na-bash si Drew Arellano dahil sa tweet na “If I were to lose my cool and I’m usually cool about things, it would be to strangers who whip out their phones and take snaps of my 2 boys without asking. Please show a lil respect and etiquette, ladies and gents. #youdonotwanttoseemelosemycool.”

Parang deleted na ang tweet na ito ni Drew dahil hindi na mahanap, pero na-bash na siya. Sabi ng netizens, kung ayaw niyang makunan ng litrato ang mga anak niya, ‘wag niyang isama sa labas ng bahay. Huwag na rin nilang ipo-post sa social media ang mga litrato ng kanilang mga anak para hindi nakikita ng publiko.

Sina Drew at Iya Villania pa ang sinisi ng netizens dahil nga isinama nila sa labas ang mga anak. Ang dami nga namang fans ng mga anak nina Drew at Iya at makikita ito sa rami ng likes everytime may video silang pino-post na mag-asawa ng kanilang boys.

Mabuti at hindi na sinagot ni Drew ang mga comments dahil hahaba pang tiyak ang isyu. May kumampi rin naman sa kanya na mali nga naman ang basta na lang kukuha ng picture ng hindi man lang nagpapaalam.

Tingnan natin ang mga susunod na mangyayari sa isyung ito. In fairness, pumapayag sina Drew at Iya na kunan ng litrato ang kanilang mga anak, basta magpapaalam lang. Baka nga naman kung saan gagamitin ang litrato ng mga bata.

Marian awra na pagkapanganak

Pare-pareho ang comments ng mga nakakita ng post-childbirth photo ni Marian Rivera dahil parang hindi ito nanganak. Seksing-seksi ang aktres sa suot na bestida at lalo pang sumeksi dahil lumaki ang boobs niya dahil kasalukuyan siyang nagpapa-breast feed.

Hindi rin nakabawas sa ganda ni Marian ang eyebags dala nang pag-aalaga kay Ziggy. Hindi sinabi kung para saan ang bagong pictorial ni Marian, pero dahil hindi pa siya pwedeng gumawa ng teleserye, malamang para sa endorsement ang nasabing pictorial.

Speaking of Marian, may mga request sa GMA Network na sana hintayin na lumakas si Marian para siya na lang ang maging leading lady ni Dingdong Dantes sa Descendants of the Sun. Para sa DongYan fans, sila pa rin ni Dingdong ang bagay na magkapareha.

Barbie nahanap  ang sarili

Mukhang ang fans nina JM de Guzman at Barbie Imperial ang hindi pa nakapag-move on sa nangyari sa dalawa. Tuwing may post sina JM at Barbie, laging kinokonek ng fans sa dalawa.

Gaya na lang nang post ni Barbie na “Under the pink skies I lost you but I found myself so I win.”

May post pa si Barbie na dialogue niya yata sa Regal Entertainment movie na Finding You at tungkol sa break-up. Pero ang fans, ang feeling nila para kay JM ang nasabing post, kaya kanya-kanya ng react.

May kumampi kay Barbie at may kumampi kay JM at dito na nagsimula ang bangayan ng fans. May fans pa ni Barbie na nag-wish na sana mawalan ng career si JM. Ang sagot lang ni JM, “uy, wow. ouch.”

Anyway, sa May 27, na ang premiere night ng Finding You at sa May 29, ang showing. Nagpaalam na sa ABS-CBN si Barbie na dadalo sa premiere night. First time niyang magka-movie na marami-rami ang eksena at may close up pa at higit sa lahat, may dialogue.

Bagong stars may launching

Ilo-launch sa ASAP Natin ‘To sa Sunday, May 26, ang 16 members ng 2019 batch ng Star Magic Circle. Ang ASAP Natin ‘To ang host sa star-studded 27th Star Magic Anniversary na kung saan, ipakikilala ang mga bagong talents ng Star Magic.

Magpapakita ng talents nila sa singing, dan­cing, hosting and acting sina Gillian Vicencio, Belle Mariano,Glen Vargas, Kendru Garcia, Arielle Roces, Eisel Serrano, R.A. Lewis, Javi Benitez, Aiyana Waggoner, Arabella del Rosario, Anthony Jennings, JC Alcantara, Sophie Reyes, Melizza Jimenez, Jeremiah Lisbo at Kyle Echarri.

Magaganda at guwapo at may talent ang 2019 batch ng Star Magic Circle at ang iba sa kanila, may fans na dahil napapanood na sa TV at ang iba ay gumawa ng pelikula. 

DREW ARELLANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with