Jimmy Bondoc
Jimmy biglang ‘sikat’
SEEN SCENE - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - May 25, 2019 - 12:00am

SEEN: Matagal nang singer si Jimmy Bondoc pero ngayon lamang nito naranasan na mapag-usapan nang todo at magkaroon ng maraming publicities dahil sa pagbatikos niya sa ABS-CBN na malaki rin ang naitulong sa kanyang career.

SCENE: Magaganap ngayong hapon, May 25, 1 pm to 6 pm, ang Personality Development and Public Speaking Worskhop sa Empire Studios sa second floor ng Uptown Mall, Taguig City. Si Miss World 2013 Megan Young ang mentor ng mga nag-enroll sa workshop.

SEEN: More than eight million na ang views sa Youtube video ni Barbie Forteza tungkol sa recent Japan vacation nila ng kanyang boyfriend na si Jak Roberto at ng kapatid nito na si Sanya Lopez. Malapit nang umabot sa kalahating milyon ang subscribers ng YouTube Channel ni Barbie.

SCENE: Balik-tambalan sa telebisyon sina Nova Villa at Freddie Webb sa Senior’s Love Affair episode ng Dear Uge, ang Sunday comedy anthology ni Eugene Domingo sa GMA 7. Sumikat ang “loveteam” nina Nova at Freddie sa sitcom na Chicks to Chicks na napanood sa IBC 13 mula 1979 hanggang 1987. Ang Senior’s Love Affair ang unang episode ng relaunched Dear Uge na mapapanood bukas. “Yung comedy namin is involved ‘yung cast, ‘yung mga guest  to collaborate. Dito nila napa-practice na aba may comic timing naman pala sila.” 

SEEN: Hindi napanindigan ni Christian Bables ang desisyon na huwag munang tumanggap ng gay roles para hindi siya ma-typecast dahil transgender woman uli ang karakter niya sa The Panti Sisters, ang pelikula na pinagbibidahan nila nina Paolo Ballesteros at Martin Del Rosario. Si Jun Lana ang direktor ng The Panti Sisters na isasali niya sa Pista ng Pelikulang Pilipino na idaraos sa September 13 hanggang September 19, 2019.

JIMMY BONDOC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with