Female personality na hindi na nakakahinga ng maluwag, walang kupas ang kamalditahan
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - May 25, 2019 - 12:00am

Mismong mga kadugo ng isang kilalang female personality ang nagkukuwento na bata pa lang siya ay kitang-kita na ang kanyang pagiging pasaway. Walang araw na hindi niya inaaway ang kanyang kapatid.

Malaking problema na siya kahit nu’ng bata pa siya ng kanyang mga magulang. Ginagabayan naman siya nang maayos ng kanyang pamilya, pero natural na sa kanya ang katigasan ng ulo, na mula nu’ng bata pa siya hanggang ngayon ay bitbit pa rin niya.

Kung saan kumukuha ng lakas ng loob at kawalan ng kahihiyan ang female personality ay siya lang ang nakakaalam.

Kuwento ng aming source, “Mismong parents na niya ang nagkukuwento na nu’ng bata pa siya, e, talagang mahirap na siyang supilin. Kunwari, dadalaw sila sa mga kamag-anak nila, siguradong magpapairal siya du’n ng pagiging pasaway niya!
“Hindi niya makasundo ang sister niya, inaaway niya palagi, kaya sa sobrang inis na ng mommy nila, e, kumuha ng kutsilyo sa kitchen, iniabot sa kanilang dalawa para magpatayan na lang sila!
“Ganu’n na siya kapasaway kahit nu’ng bata pa siya. Para siyang kiti-kiti na hindi mapirmi sa isang lugar, kailangang gumagalaw siya, kesehodang meron pa siyang nasasaktan,” umpisang rebelasyon ng aming source.

Pumino naman nang konti ang ugali ng female personality nang mag-artista na siya. Pero lutang na lutang pa rin sa linya ng trabaho ang pagiging pasaway niya.
“Kung ano ang gusto niya, e, gagawin niya. Ibang klase ang babaeng ‘yun, ang tingin niya sa sarili niya, e, siya na ang pinaka sa lahat ng linya. Pinakamagaling, pinaka-witty, pinakamatalino at higit sa lahat, ang feeling ng girl na ito, e, napakaganda niya!

“Pero nakatagpo siya ng tatapat sa mga kalokahan niya, di ba? Ginagawa niyang biro ang buhay, pero bigla siyang nadiin sa mga kagagahan niya.

“Sana nga, e, mag-isip-isip na syang magbago, tumatanda na siya, alam na niya ang tama at mali. Puro kahihiyan ang ibinibigay niya sa family niya, sa totoo lang, dahil pasaway pa rin siya hanggang ngayon!

“At puwede ba, huwag nga siyang naniniwala sa ilusyon niya na napakaganda niya, ha? Marami nang prosesong pinagdaanan ang sinasabi niyang kagandahan niya!

“Hindi na nga halos siya makahinga sa sobrang liit ng butas ng nose niya! ‘Yun din siguro ang dahilan kung bakit hindi niya naaamoy ang mismong attitude niya!” pagtatapos ng aming source na nakataas sa 10th floor ang kilay.

Ubos!

Jimmy tustadung-tustado

Tustadung-tustado ngayon sa social media ang one-hit-wonder singer na si Jimmy Bondoc. Kung saan kumuha ng lakas ng loob ang may kaangasang male singer na ito para banggain ang pader ng ABS-CBN ay siya lang ang nakakaalam.

Kung saang balon ng galit niya sinalok ang kagustuhan niyang makitang sarado na at burado na sa mapa ng Pilipinas ang ABS-CBN ay siya lang din ang nakababatid.

Hindi mapagmalasakit sa kanyang mga kababayan ang singer na ito. Gusto niyang masarado na ang network na pinagmumulan ng kabuhayan nang libo-libong empleyado ng istasyon.

At gusto niyang makitang nasa kangkungan ang mga personalidad na nagtatrabaho sa network, hindi maayos ang timpla ng pakiramdam ng singer na ito, gusto niyang mas palawakin pa ang napakalaki na ngang problema ng ating gob­yerno sa mga kababayan nating jobless.

At tama ang argumento ng mga bumibira ngayon kay Jimmy Bondoc na wala siyang utang na loob. Malaki ang naitulong sa kanya ng network sa pagpapakilala sa publiko ng kanyang kaisa-isang kantang “Let Me Be The One.”

Humawak siya ng mikropono ng mga musical variety shows ng Dos, naging hurado pa nga sa It’s Showtime, pero ang network na nakatulong sa kanyang pangarap ay kinasasabikan na niyang makitang sarado ngayon.

Kung gusto niyang magpalapad ng papel kay Pangulong Rodrigo Duterte na nagbigay sa kanya ng trabaho sa pamahalaan na lutang din ang galit sa network ay huwag siyang masyadong sipsip para pangarapin niyang mawalan ng trabaho ang napakaraming kababayan nating umaasa ng kanilang ikinabubuhay sa paglilingkod sa ABS-CBN.

Sexual harassment? Matinding pulitika sa loob ng network? Planado nang resulta sa mga pa-contest ng istasyon? Hindi makatarungang pag-angkin uli sa network mula sa gobyerno?

Sa husgado na lang dapat makipag-argumento at makipaglaban si Jimmy Bondoc. Maglabas siya ng mga resibo para sa kanyang mga sigaw.

Sa sobrang galit sa singer ngayon ng mga sinasagasaan niyang manggagawa ng ABS-CBN ay ipinatatapon na siya sa bundok.

Makikinig kay Jimmy Bondoc ang mga kuliglig-lupa.

JIMMY BONDOC
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with