Sikat na beauty clinic ang bilis dumami
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - May 24, 2019 - 12:00am

Naku Salve ha, ang laki na talaga ng Kamiseta Skin na favorite beauty clinic n’yo ni Gigi. May ipinatatayo na mga bagong branch ng Kamiseta skin ang may-ari nito na si Cris Roque.

Ang interiors designer na si Leo Espinosa ang in charge sa pag-aayos ng Kamiseta Skin branches sa Trinoma at SM Fairview.

In such a short time, talagang lumaki na agad ang Kamiseta Skin at marami ang  nagsasabi na ibang-iba ang treatment nito sa pagpapaganda.

Marami rin ang gandang-ganda sa interior designs ni Leo.

Ang construction ng Trinoma at SM Fairview branches ng Kamiseta Skin ang tinututukan ni Cris kaya busy ang BFF natin.

Pinuntahan agad ni Gigi ang Kamiseta Skin branch sa Global City dahil ito ang malapit sa kanya. Marami ka nang pupuntahan Salve dahil parami na nang parami ang branches ng Kamiseta Skin. Congrats Cris at lalo mong pagandahin Leo, ang mga bagong branch.

Bong hold muna ang Panday sa MMFF!

Very mushy kung tutuusin pero tumulo ang luha ko sa proclamation ni Bong Revilla noong Miyerkules bilang 11th placer senator sa  midterm elections noong May 13, 2019.

Mula nang sumali sa pulitika si Bong hindi ko pinakikialaman ang mga posisyon na pinasok niya mula sa pagiging vice–governor at governor ng Cavite province hanggang maging senador siya.

Dumaan at natapos ang mga paglilingkod niya na wala lang sa akin dahil hindi ko nga binibigyan ng pansin.

Pero iba ang sitwasyon ngayon. Nakulong si Bong for more than 4 years, nakalabas, nag-decide na kumandidato uli na senador at dinurog nang husto ng kanyang bashers, haters at detractors.

It was so personal for me this time, ang kandidatura ni Bong, dahil hindi ko alam kung paano siya ibabangon, hindi ko alam kung matatanggap pa siya ng publiko, lalo na kapag nababasa ko ang mga masasakit na banat laban sa kanya.

Sa lahat ng mga nanalo, sigurado na sobrang babantayan at titingnan ang bawat kilos nila. Kahit ano ang gawin ni Bong, it’s either you like him or not.

Ang mga gusto siya, stick sa kanya pero ang nasa kabilang panig, ayaw sa kanya.

‘Yung mga nasa gitna ang deciding factor at sana makita nila ang sincerity at kapasidad ni Bong.

Paniwalaan sana nila ang desisyon ng Sandigan na walang  kasalanan si Bong sa plunder case na ibinintang sa kanya. Sana, makita nila ang kabutihan ng puso ni Bong.

 Samantala, nagpasya si Bong na hindi muna siya gagawa ng pelikula na isasali sana niya sa Metro Manila Film Festival 2019 kaya on-hold ang Alyas Pogi 2019.

Gusto ni Bong na mag-focus sa mga obligasyon nito bilang bagong halal na senador para mapatunayan niya sa lahat ng mga bumoto sa kanya na tama ang kanilang desisyon na muli siya na iluklok sa puwesto.

 

BONG REVILLA KAMISETA SKIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with