Jane maraming natutunan sa ex!
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - May 24, 2019 - 12:00am

Tumagal lamang ng halos dalawang taon ang relasyon ni Jane Oineza at ng dating Pinoy Big Brother housemate na si Kyle Secades. Masaya raw ang aktres ngayon sa pagiging single. “Single and happy, wala pong dini-date. Naging maayos naman ‘yung break up, pero hindi ko alam, hindi ako sure,” natatawang pahayag ni Jane.

Ayon sa dalaga ay hindi pa siya nakahanda na muling pumasok sa isang relasyon sa ngayon. “Focused ako sa sarili ko ngayon, sa career, sa family, sa trabaho. Walang love life. Hindi ko naman hinahanap. Darating naman ‘yan at siguro baka kilala ko ngayon or makikilala ko pa lang. I don’t know yet pero darating din ‘yan. I found myself at ang gaan, ang sarap ng buhay, ang sarap magtrabaho,” makahulugang pahayag ng aktres.

Maraming mga bagay ang natutunan ni Jane mula sa naging relasyon nila ng dating kasintahan. Kaya alam na ng aktres nga­yon ang mga dapat gawin o iwasan sa susunod niyang magiging nobyo. “Natutunan ko na dapat give and take. Kung paano mo siya nakilala at kung paano mo siya minahal. Dapat hindi mo rin i-try siyang baguhin. Siguro dapat more on i-improve n’yo ang isa’t isa at mag-grow kayo together. And kung ano ang kailangan ng isa’t isa to grow ay suportahan mo din,” paliwanag niya.

Richard kinumpara si Jessa sa fictional character 

Sa kauna-unahang pagkakataon ay magsasama sa isang concert sina Jessa Zaragoza at Richard Poon. Gaganapin ang Just Right: The Diva and the Crooner Live in Concert sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila sa June 8.

Ayon kay Jessa ay talagang nagkaroon siya ng interes na makatrabaho si Richard lalo pa’t magkaibang genre ng musika ang kanilang mga ginagawa. “Sobrang natuwa ako saka na-excite talaga. Kasi ini-imagine ko rin kung paano kung magsama kami sa isang concert, paano ang mangyayari? Very curious talaga ako,” nakangiting pahayag ni Jessa.

Para naman kay Richard ay sulit ang ibabayad ng mga mano­nood sa nasabing concert dahil sa kakaibang isitilo ang masasaksihan dito. “Ang banda namin dito ay parang dose yata. We’ll have full horns, mga six pieces. So parang sound ko na nilagyan mo ng ‘sexy’ lounge singer,” pagbabahagi ni Richard.

Maihahalintulad umano ni Richard ang Phenomenal Diva kay Jessica Rabbit na isang fictional character mula sa animated film na Who Framed Roger Rabbit. “That is exactly what’s in my mind. Hindi kasi siya belter (kumanta). Ang nakikita ko sa kanya, lounge,” paliwanag ng singer.      (Reports from JCC)

 

JANE OINEZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with