Alex natakot, nakipag-ayos sa pinagbintangang ‘nandugas’
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - May 24, 2019 - 12:00am

Tinupad ni Alex Gonzaga ang pangako niyang pupuntahan ngayong linggo si Parañaque Mayor Edwin Olivares para personal na makahingi ng apology sa sinabi niyang ‘nadugas’ nung nangampanya ito sa naturang lungsod.

Nagalit ang supporters ng alkalde kaya sinasabi nilang ideklara itong ‘persona non-grata’. Pero galing mismo sa tanggapan ni Mayor Olivares na nagsabing wala silang ganung balak.

Natawa na lang daw si Mayor Olivares, at hindi na raw niya sineryoso dahil alam naman daw niyang bahagi lang iyun ng politicking.

Sa kalaban niya kasi umakyat si Alex para sa ini-endorso niyang party-list na Juan Movement. Kaya ang supporters ng naturang alkalde ang nagagalit.

Nung nakausap nga namin ang spokesperson ng natu­rang party-list na si Arnell Ignacio, natawa na rin siya dahil hindi naman daw seryosohin ang ilang sinasabi ng Kapa­milya actress.

“Alam n’yo naman si Alex ganun lang talaga yun, talak lang nang talak, kaya sana naman marinig ni Mayor on her behalf kahit hindi pa kami nag-uusap. I’m sure magsu-sorry naman yan,” pakli ni Arnell.

Kaya natuloy nga ang pagkikita nila kahapon na inayos ng asawa ni Vandolph at Barangay Captain ng Tambo, Parañaque na si Jenny Quizon.

Nung nakaraang linggo pa pala nakipag-ugna­yan si Alex kay Jenny at maayos naman daw ang pagkikita nila kahapon.

Sinamahan si Alex ng boyfriend niyang si Mikee Morada at isa pang konsehal ng naturang lungsod.

Sabi ng ilang nakasaksi sa pagkikitang iyun, natuwa naman daw ang aktres sa pagharap sa kanya ni Mayor Olivares. “He’s very well-loved. You’re very very nice Mayor,” sabi raw ni Alex.

At least nagkaayos na at tapos na isyung iyun.

Hindi rin nakatulong sa party-list na ini-endorso niya si Alex dahil hindi naman nakapasok sa eleksyon o nakakuha ng kahit isang seat man lang.

Ang dinig nga namin umabot daw ng 4M ang binayad kay Alex ng naturang party-list para i-endorso niya.

Ricky naalala ang nararamdaman noon kay Tetchie Agbayani

Ayon sa survey, dumikit lang ang pilot episode ng Dahil sa Pag-ibig na nagsimula nung nakaraang Lunes, May 20.

Nakakuha ito mataas na porsyento, pero bahagyang tumaas din ang katapat na Los Bastardos. Pero humahabol na raw sa mga sumunod na araw dahil maganda ang simula ng kuwento na tinatampukan nina Sanya Lopez, Benjamin Alvez, Pancho Magno at Winwyn Marquez.

Bale ngayon lang uli nakabalik sa pagdidirek si Ricky Davao na tuwang-tuwa dahil makakatrabaho raw niya uli si Tetchie Agbayani.

Aminado si direk Ricky na si Tetchie pala ang first crush niya nung kabataan nila. Si Tetchie pa raw ang leading lady niya sa isa sa launching movie niyang Alyas Boy Life. “Old friends kami nun pa,” pakli ni Tetchie nung nakaraang presscon ng naturang drama series.

“Galing ako ng eskuwelahan nun, sa rehearsal ako ng fashion show, Tet Agbayani palang siya nun.

“Paglabas niya nun, naku! Ayoko na! Sa Century Park Sheraton pa nun,” natatawang kuwento ni direk Ricky.

Kaya ang saya lang daw nilang magsama sila uli rito sa Dahil sa Pag-ibig. Ang saya lang daw ng tsikahan nila dahil magkaibigan naman sila, kasama pa si Sandy Andolong.

“Ang saya lang namin sa set. Ang gaan gaan lang. Alam mo yung ang bigat ng kuwento, ang bigat bigat ng mga eksena, pero ang gaan ng artista,” sabi pa ni direk Ricky.

Mababait pa raw ang mga bidang artista na talagang naga-adjust sa kanilang mga veteran stars. 

Kalat na kalat na ang kuwento, Ex-wife diring-diri sa panlalandi ng aktor sa isang TV executive!

Ang dami na palang nakaalam sa kuwento nitong guwapong aktor at isang lady TV executive na nagkasabay sa isang event abroad.

Medyo nilalandi raw ni TV actor itong si TV executive na pagkatapos ng event at bumalik na raw sila ng hotel, parang pabirong sinabihan daw ni guwapong actor si TV executive na sa kuwarto na lang daw ito matulog.

Nagulat si TV executive, pero nakaisip naman daw ng magandang alibi para tanggihan ang alok ni guwapong aktor.

Sabi raw ni TV executive, “huwag ako kuya. Pangit ako sa umaga.”

Hindi naman daw namilit pa si aktor.

Kumalat na ang kuwentong ito na pati ang dating asawa ni guwapong aktor ay nakaalam na at parang diring-diri na kay aktor dahil hindi pa rin daw pala ito nagbabago.

Paano raw kaya ito na-handle ng kasalukuyang asawa na tahimik lang naman at hindi nakipag-showbiz?

ALEX GONZAGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with