Jolo takot maulit ang nangyari sa kanila ni Jodi
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - May 24, 2019 - 12:00am

Hindi na pinatagal pa ni Cavite Vice Go­vernor Jolo Revilla at nobyang si Angelica Alita, runner-up sa Bb. Pilipinas pa­geant noong 2016 ang kanilang relasyon, agad nag-propose si Jolo sa kanyang girlfriend na tinanggap din naman nito, kaya ngayon ay engaged na sila at maghihintay na lamang ng sapat na panahon para tumuloy sa dambana. 

Maaaring sabihin ng marami na parang napakabilis naman nilang magdesisyon na ga­wing permanente ang kanilang relasyon, pero baka naman umiiwas lamang ang aktor/pulitiko na mangyari sa kanila ang naging kaganapan sa nauna nitong relasyon sa isa ring artista, si Jodi Sta. Maria, na nauwi rin sa hiwalayan na baka dahil sa katagalan ay humupa ang init ng kanilang pagmamahalan. 

Angel apektado ang trabaho sa nangyari sa mukha

Malaki ang magiging epekto sa karera ni Angel Locsin ang nangyaring pagkagat sa kanya ng isang aso, at sa mukha pa. Maituturing na pinakamalaking kapital ng mga artista ang kanilang mukha. Hindi naman puwedeng parang laging may black eye si Angel sa kanyang mga larawan. Sana naman ay hindi ito maging malubha dahil napakaraming trabaho niya ang maaapektuhan lalo na ngayong naging isang malaking hit ang The General’s Daughter. Isa si Angel sa may pinakamagandang mukha sa mga artistang babae natin, at isa rin sa pinaka-mahusay umarte. Tsk. Tsk. Tsk.

Vice at Ion legal na sa kani-kanilang pamilya

Nami-miss na sa It’s Showtime si Vice Ganda. Suwerte niya dahil pinayagan ng Network ang madalas niyang pagku-concert sa abroad at kasama pa ang inili-link sa kanyang si Kuya Escort o Ion Perez. 

Minsan ay nakasama rin nila si Ate Girl Jacque Gonzaga. Masaya ang komedyante dahil hindi lang successful ang concerts niya sa US at Canada, tanggap na rin ng mommy niya ang relasyon nila ni Ion. May magagawa ba si madir kung may mas nakakapagbigay ng happiness sa anak niya? Welcome din naman si Vice sa pamilya ni Ion.

Desisyon ni Mayor Isko sa Manila Zoo at Arroceros Park, marami ang natuwa

Marami ang natuwa sa desisyon ni Manila Mayor Isko Domagoso Moreno na huwag nang ibenta ang Manila Zoo at Arroceros Park. Ang ikalawa ay gagawin lamang namang isang gym. Sa halip ay balak niyang idevelop ang mga ito para maging pasyalan ng mga Manilenyo. Nagsisimula na ng kanyang trabaho sa kanyang lungsod ang dating artista at dala-dala niya ang suporta ng kanyang mga nasasakupan. Bukas makalawa ay mababalikan na ng mga tulad kong senior citizen hindi lamang ang pamamasyal kundi lalo na ang pamimili sa Quiapo at Divisoria.

ANGEL LOCSIN JOLO REVILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with