Bumibidang male personality parang gutom na butiki pag nakikipag-romansa
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - May 24, 2019 - 12:00am

Hindi kiss and tell ang bumibidang kilalang male personality sa istoryang ito. Malaki ang pagrespeto niya sa mga kababaihan.

Pero may kakaiba pala siyang drama sa paglipad sa alapaap ng kaligayahan kasabay ang kanyang girlfriend. Ibang-iba siya dahil marami siyang ginagamit na props sa pakikipagtalik.

Kuwento ng aming source, “Lumabas ang kuwentong ito na hindi ang male personality ang nagkukuwento. Hindi siya ganu’n, kung anuman ang ginagawa nila ng girl in private, mananati­ling lihim ‘yun!

“Pero ang mga girls na nakakasama niya sa pagbiyahe sa kaligayahan ang hindi makapagtimpi. Sila mismo ang nagkukuwento tungkol sa kakaibang style ng male personality sa kama.

“Kumpletos recados pala siya sa mga props. May baon siyang mga palaman sa tinapay, may toothpaste pa, may ice-cream at kung anu-ano pang mga props.

“Part pala ng pakikipag-lovemaking niya ang mga props na ‘yun. Palaman lang ang ibinabaon niya, pero wala namang tinapay, kasi nga, ‘yun ang ipinapahid niya sa katawan ng girl habang nagaganap ang foreplay nila.

“Hitsura sa kanya ng gutom na butiki, dila siya nang dila, habang halos mapugto naman ang hininga ng girl sa kanyang mga ginagawa.

“Ibang klase talaga siya! Talagang pinaliligaya niya ang girl, marami siyang alam na paraan ng pagkiliti sa kanyang kasalo sa kama,” napapa­ngiting kuwento ng aming source.

Napakaraming nakarelasyong artista ng pamosong male personality, hindi magkakasya ang mga ito kung sa van lang sila iipunin, napakalakas kasi ng kanyang sex appeal.

“Si kuwan, si kuwan at si kuwan pa, ang dami-dami niyang nakarelasyon! Lahat kaya sila, e, pinatikim din ng iba-ibang flavor ng palaman nu’ng male personality?

“Ang lahat kaya ng naging karelasyon niya, e, dumaan sa ganu’ng drama? Ginawa rin kaya niyang tasa ang churva ng mga girls na ‘yun na pinaglagyan niya ng ice-cream?

“Nakakaloka ang kuwento, pero maraming nakarelasyon ang male perso­nality ang nagsasabing totoong-totoo ‘yun! Hindi nga raw nila makakalimutan magpakailanman ang lalaking ‘yun dahil sa kakaiba niyang istilo!

“May asawa na siya ngayon, artista rin, madalas nating napapanood sa TV. Siguradong alagang-alaga rin siya ng husband niya sa palaman sa tinapay, ice-cream at kung anu-ano pang props kapag bumibiyahe sila sa langit!” seryosong pagtatapos ng aming source.
Ubos!

Kering bumili kahit eroplano, Bilyon-bilyong yaman ni Vice kinaiinggitan

Kainggit-inggit naman kasi talaga ang kasikatan at yaman na meron ngayon si Vice Ganda. Pero bago siya kainggitan nang wala sa lugar, sana’y balikan muna ng mga bashers ang naging buhay ng sikat na komedyante-TV host, para maintindihan nila ang napakatamis na tagumpay ni Vice.

Hindi siya ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig. Kahit ordinaryong kutsara nga lang ay wala sila, mahirap lang ang kanilang pamilya, ‘yun ang naging matinding hamon para sa baklitang si Tutoy para magsikap at mangarap.

Sumikat siya sa comedy bar, ibang klase ang kanyang atake sa pagpapatawa, nu’n pa man ay marami nang nagsasabing hindi lang sa entablado ng comedy bar siya pakikinabangan.

Hanggang sa angkinin na rin ng telebisyon at pelikula ang kanyang talent, sumikat siya, milyun-milyon ang kinikita ng mga ginagawa niyang pelikula.

Bilyonaryo na ngayon si Vice Ganda. ‘Yun ang naging produkto ng kanyang mga pagsisikap, pagpapagod at pagpupuyat, hindi niya napulot lang sa kalye ang ka­yamanang meron siya ngayon.

Una palagi para kay Vice ang kanyang pamilya, lalo na ang kanyang Mommy Rosario, pinahahalagahan niya ang lahat ng mga pagsisikap ng kanyang ina sa pagpapalaki sa kanilang magkakapatid.

Naibibigay na niya ngayon ang lahat-lahat sa kanyang mommy, lahat ng kaginhawahan na dati’y pinapangarap lang ng kanyang ina ay ibi­nibigay na ngayon ng kanyang bunsong si Tutoy, kaya tigilan na sana si Vice ng mga taong upak lang nang upak hindi naman alam ang kanyang pinagdaanan.

Bumili man ng eroplano ngayon si Vice Ganda ay labas na tayo du’n. Saan man niya dalhin ang kanyang pera ay siya ang reyna ng kanyang bulsa. Wala siyang inaabalang kapwa niya.

Mag-shopping man siya nang maghapon at magdamag ngayon ay wala na tayong pakialam, regalo ‘yun ni Viceral sa kanyang sarili, ang mga taong nagsisikap at nagpapakahirap ay talagang may tinatanggap na premyo sa bandang dulo ng laban.

VICE GANDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with