^

PSN Showbiz

GF ni Jolo at ex bf na anak ni Sen. Grace Poe, nag-krus sa proclamation

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
GF ni Jolo at ex bf na anak ni Sen. Grace Poe, nag-krus sa proclamation

Ngiti lang ang sagot sa akin ni Vice Governor Jolo Revilla nang kinumusta ko kung ano na ang plano nila ng girlfriend niyang si Angelica Alita, ngayong tapos na ang eleksyon.

Nung pumutok ang isyung engaged na sila ni Angelica, hindi ito sinagot ni Jolo.

Patapusin na lang daw ang eleksyon, saka niya ito sasagutin.

Hindi pa rin siya nagsalita nang kinulit namin kahapon, pero ipinakita lang niya ang engagement ring na suot ni Angelica. Iyun na lang daw muna.

Wala raw muna silang masasabi kung ano ang plano pagkatapos ng proposal.

Masaya lang sila kahapon dahil finally na-proclaim na rin si Sen. Bong Revilla bilang isa sa mga nanalong senador ng nakaraang eleksyon.

Tinanong na rin namin si Angelica kung nagkita ba sila roon ng dating boyfriend niyang si Brian Poe na kasama naman ng bagong proclaim ding si Sen. Grace Poe. Ngumiti lang siya, pero hindi na nagkatsikahan.

Okay naman daw sila pagkatapos ng break-up.

Bong nagsalita sa planong pagsasampa ng cyber libel

Ayaw nang magpaka-nega pa ni Sen. Bong Revilla sa ngayon kaya hindi na niya sinasagot ang mga namba-bash at nanlalait sa kanya.

Mas mag-focus na lang daw siya ngayon sa bagong hamon na haharapin niya sa Senado.

Ngayong naproklama na siya bilang isa sa nakapasok sa Magic 12 ng mga nanalong senador, gusto lang daw muna niyang magpasalamat sa lahat na bumoto sa kanya.

Hindi raw biro ang pinagdaanan niya na mahigit apat na taon siyang nakulong sa Camp Crame, at paglabas niya patuloy pa rin ang pagtuligsa sa kanya.

 “Isipin mo galing pa akong Crame. From Crame, deretso sa kampanya, yung durugan ibang klase. Talagang maninibago ka. Ibang-iba ito sa laban ko nung 2004 saka nung 2010, malinis na labanan yun eh. Ito sobrang dumi, yung talagang panlalait, pagwasak sa pagkatao, pagdurog, hindi malulunok.

“Ang importante, nangibabaw pa rin yung katotohanan, yung pagmamahal ng ating mga kababayan, yung halos 15M na bumoto na nagtiwala sa yo,” dagdag niyang pahayag.

Hindi nga raw niya malunok ang mga bira at batikos sa kanya, pero malaking bagay daw ang patuloy na pagdarasal niya sa Diyos, kaya iyun ang nagpapalakas sa kanya.

Pati sa ilang kasamahan niya sa showbiz na nagpu-post ng laban sa kanya, hindi na raw niya iyun pinapansin, kahit aminado naman siyang nasasaktan siya.

“Nakakalungkot yun dahil parang nabalewala nila yung ginawa nating pagsisilbi natin sa kanila,

“Yung paglaban natin sa mga pirata noon na tinaya ko yung buhay ko sa kanila para maibangon yung industriya. Nakalimutan nila na ibinaba natin yung amusement tax ng pelikula.

“Kumbaga, pinilit nating binuhay yung industriya ng pelikulang Pilipino. Yun ang nakakalungkot. Pero ganunpaman, intindihin pa rin natin sila. Hindi nila naintindihan kung ano yung totoo at hindi,” pahayag pa ni Sen. Bong.

Ang isa lang daw talaga sa natutunan niya sa pagtakbo niyang ito ay huwag mawalan ng tiwala at pananampalataya sa Diyos.

Samantala, itinatanggi ni Sen. Bong ang napabalitang balak niyang idemanda ng Cyber Libel ang mga kilalang bumabanat sa kanya sa social media.

“Hindi ko gagawin yun. Alam kong nalason lamang sila ng mga kalaban natin sa pulitika,” pakli ni Sen. Bong.

vuukle comment

JOLO REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with