^

PSN Showbiz

Halaga ng bahay ni Jerome nabuko!

SEEN SCENE - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon
Halaga ng bahay ni Jerome nabuko!
Jerome Ponce

SEEN: Bininyagan kahapon, May 22, sa Christ The King Church Greenmeadows si Alfredo Cristiano Vargas IV, ang nag-iisang lalaki at anak na bunso ni Quezon City District V House Representative Alfred Vargas at ng kanyang misis na si Yasmine.  Ang direktor na si Mac Alejandre ang nag-iisa na taga-showbiz na ninong sa binyag ng bata. Si Mac ang direktor ng Kaputol, ang upcoming movie nina Alfred at Cherie Gil. 

SEEN: Ang plano ng Viva Films na isali sa isang film festival ang Just A Stranger, ang pelikula nina Anne Curtis, Marco Gumabao at Edu Manzano na back to work na, apat na araw matapos ang midterm elections noong May 13. 

SEEN: Big deal para sa bashers ang pag-amin ng comedienne na si Divine Aucina na hindi na ito virgin. Hindi nila binigyan ng pansin at pagpapahalaga ang paalala ni Divine sa mga kabataan na mali ang ginawa niya na pagpatol sa opposite sex, out of curiosity, kaya hindi siya dapat tularan. 

SCENE: Nahuhumaling sa isang dance instructor ang ex-girlfriend ng sikat na aktor. Malabo nang nagkabalikan ang aktor at ang dating karelasyon nito sa kabila ng pagkakaroon ng bunga ng kanilang pagmamahalan. 

SCENE: Ang clarification ni Jerome Ponce na binabayaran pa rin nito ang house and lot na ipinundar niya para sa sarili at sa kanyang pamilya. Takang-taka ang lead actor ng Finding You ng Regal Entertainment Inc. dahil nalaman ng entertainment writers ang halaga ng bahay na binili niya. 

vuukle comment

JEROME PONCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with