Sikat na aktres suking itsismis ng isang kilalang female personality
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - May 23, 2019 - 12:00am

Sa isang umpukan ay pinagpistahan ang isang kilalang female personality na kinuhang tagapag-endorso ng isang grupo pero hindi naging epektibo.

Waley. Olats. Balitang-balita pa namang napakalaki ng tinanggap na ta­lent fee ng babaeng personalidad para sa kanyang pag-eendorso ng tropa.

Komento ng isa sa umpukan, “Hindi siya nakatulong, hindi niya kinayang panalunin ang grupong in-endorse niya. Hindi na talaga guarantee ngayon ang mga public figures sa ganu’ng linya.

“Nakapagtataka nga naman kasi kung bakit sa dinami-dami ng mga artistang puwedeng kunin ng grupong ‘yun, e, ang female personality pa ang napili nila?

“Sa totoo lang, hindi naman ganu’n ka-effective na endorser ang girl. Hindi siya sineseryoso ng mga kababayan natin. Sa totoo lang,” umpisang kuwento ng impormante.

Hanggang sa nauwi na ang kuwentuhan sa kung saan-saan, natutukan ng tropa ang mismong kadugo niyang nakipaglaban din, pero lost in space ang resulta.

“May pagkanega kasi ang girl, feeling niya kasi, e, super-sikat na siya, parang ang dami-dami na niyang maipagmalaki, samantalang hilaw na hilaw pa naman siya.

“Palagi lang siyang ka-package deal ng kapatid niya, saling-pusa lalo na nu’n, mabuti nga at nabibigyan na siya ng sariling identity ngayon ng network na nilipatan niya,” patuloy na komento ng aming source.

Hindi lang pala nagsasalita ang ibang mga katrabaho ng female personality, pero meron ding masasabing nega ang mga ito tungkol sa kanya. Kapos na kapos kasi siya sa PR at parang may sariling mundo.

Pagpansin naman ng isang miron sa umpukan, “Mahirap bang bumati? Mahirap bang ngumiti? Magkano ba ang sinisingil niya kapag tumawa siya? Napakamahal kasi ng ngiti ng babaeng ‘yun, e!

“Palagi siyang nakasimangot, parang lagi siyang nakakaamoy ng kung anong mabaho, kaya ilag sa kanya ang maraming nakakatrabaho niya.

“Saka tsismosa ang babaeng ‘yun! Naku, marami siyang chika! Kung alam lang ng isang sikat na female personality kung saan nanggagaling ang mga kuwento tungkol sa kanya!

“Sa babaeng ‘yan! Madulas ang dila niya, parang mahihirapan siyang mabuhay nang hindi nagkukuwento tungkol sa ibang tao, sa totoo lang!” napapailing pang pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Angel and Arjo grabe ang nagagawa sa TGD!

Sulit na sulit ang talent fee na tinatanggap ni Angel Locsin sa pagbibida sa The General’s Daughter ng ABS-CBN. Hindi simple ang kanyang trabaho.

Kapag pinanonood namin siya sa serye ay parang kami ang napapagod sa mga eksenang ginagawa niya. Banat na banat ang kanyang katawan, parang wala siyang iniindang sakit sa likod, ibinibigay ni Angel ang inaasahan sa kanya ng manonood.

Sa mga eksenang madrama ay lutang na lutang ang kanyang kapasidad. Nakapagtatawid siya ng emosyon nang hindi pilit. Gandang-ganda kami kay Angel kapag naka-pony tail lang siya at walang gaanong kolorete sa mukha.

Maraming dahilan bukod kay Angel kung bakit kapaki-pakinabang ang pagtutok sa The General’s Daughter. Ang Diamond Star na si Maricel Soriano, sina Eula Valdez, Tirso Cruz III at Albert Martinez na nagpapagalingan sa pagganap.

Ang hayup na pag-arte ni Arjo Atayde na mapapamura ka na lang habang itinatawid ang papel ng isang espesyal na anak ni Maricel Soriano.

Grabe si Arjo Atayde, hindi bumibitiw ang binatang aktor sa kanyang karakter, pagkatapos siguro ng kanilang taping ay nagbabanlaw muna ang anak ni Sylvia Sanchez bago umuwi para hindi mabitbit ang ginagampanan nitong papel.

Sabi ng kaibigan naming si Liza na nagtatrabaho sa isang malaking kumpanya bilang COO, “Sa office namin, kapag break time, nakiki-join ako sa mga staff ko kapag si Arjo Atayde na ang topic nila.

“Ang galing-galing niyang umarte, walang sobra at kulang sa acting niya. I love the guy, kasi, alam mong seryoso siya sa craft niya,” komento ng aming kaibigan.

Nagmana nga si Arjo Atayde sa kanyang pinagmanahan.

ANGEL LOCSIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with