Angel Locsin
Mata ni Angel napuruhan sa taping!
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - May 22, 2019 - 12:00am

Napuruhan ang mata ni Angel Locsin sa taping ng kanyang seryeng The General’s Daughter.

Sa Instagram post niya, naghahanap siya ng puwedeng gamot sa black eye. “50 Shades of Black under my eye, na sinubukan kong i-mowdel.

Any helpful tips on how to get rid of a black eye quickly, aside from vitamin C, arnica, & ice? I’m proud of my battle scars but this girl gotta work.

“PS. I was not abused. Thank you!”

Kilalang ayaw na ayaw magpapa-double ng actress kahit sa mga delikado niyang eksena kahit sa kanyang mga pelikula kaya madalas siyang naaksidente.

Natalong senador gumastos ng p800 million  sa tv ad sa isang network!

Umabot pala sa 800 million ang nagastos ng isang natalong senatoriable sa mga umere niyang TV ads noong nakaraang campaign period for midterm elections.

At sa isang network pa lang ‘yun.

Hindi man lang umabot sa no. 13 or 14 ang pangalan niya.

In all fairness naman kay Sir, deser­ving naman sana siyang maging senador pero talagang hindi yata siya kinapitan ng suwerte last election.

At kung sa isang network lang ‘yun, malamang hindi nalalayo ang ginastos nito sa isa pang network.

Kaya kung susumahin, let say, x2 ng P800 million, P1.6 billion.

Oh my God nakakalulang halaga.

Anyway, kuwento pa ng the same source na nagkuwento tungkol sa ginastos ni Mr. Senatoriable, ay ang ginastos ng isang Partylist na nanalo.

Diumano, ayon sa source, P120 million ang nagastos ng nasabing partylist group sa kanilang TV commercial.

Yup ganun daw kalaki dahil sa rami ng mga umere nilang TV ads na napanood kahit sa primetime spots kaya umabot sa ganung halaga ayon sa insider  ng nasabing network.

Pero come to think of it ang tunay na nagwagi sa nakaraang election ay hindi ang mga kandidato o ang mga bumoto kundi ang mga TV network na malaki ang kinita sa political ads.

ANGEL LOCSIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with