Benjie, pinakawalan ang movie nina Kathryn at Alden
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - May 22, 2019 - 12:00am

Kasama pala dapat sa pelikulang Hello, Love, Goodbye si Benjie Paras. Gaganap sana siyang tatay ni Kathryn Bernardo pero hindi kinaya ng sked ng comedian. “Mas busy ako kay Kathryn,” sabay tawa ng dating basketbolista na nagkaroon ng surprise guesting sa digital program na Take It...Per Minute with Nay Lolit Solis, Nay Cristy Fermin and Mr. Fu na naging birthday presentation na rin ni Nay Lolit na nag-celebrate ng kanyang 72nd birthday last Monday. (By the way, salamat sa mga nagpadala ng cake.)

Isa si Benjie sa maraming alaga ng beteranang talent manager / PSN entertainment columnist / talk show host.

Anyway, pagdating naman sa lovelife ng dalawang binata ni Benjie na sina Andre and Kobe ay wala siyang alam kung sino ang mga girlfriend ng mga ito dahil wala namang sinasabi sa kanya. Lagi raw sinasabi ng mga binata niya tuwing lalabas na ‘we’ll go out with friends.”

Napapanood ngayon si Benjie sa Daddy’s Gurl at may upcoming movie nga siya sa Star Cinema na kapalit nang pinakawalan niyang Hello, Love, Goodbye.

Samantala, kasama sa pinag-usapan sa Take It... Per Minute kahapon si Alex Gonzaga na itinanggi ng opisina ng mayor ng Parañaque na nakikipag-communicate ito sa kanila para mag-sorry sa pagtawag niya rito ng ‘mandurugas.’ Nang tawagan ang isang staff ng mayor ay sinabi nito sa kausap na  walang ganung pangyayari o move na nanggaga­ling sa kampo ni Alex na nauna nang nagsabi na nakahanda siyang (Alex) mag-sorry sa alkaldeng napagsalitaan niya ng hindi maganda.

Isang source din ang nagpaabot habang ongoing ang programa na sa isang bayan lang pala sa Taytay nanalo ang tatay nina Alex and Toni na kumandidatong Mayor sa nasabing bayan.

Bugbog na rin ng banat ang TV host/actress dahil sa isyung tumanggap siya ng malaking talent fee sa Partylist na inindorso niya.

At ito may baong blind item si Mr. Fu tungkol sa isang singer/actor na bumili ng aso sa isang poging blogger/dog breeder.

Pero hindi lang daw tuta ang pinag-interesan ni actor/singer sa poging breeder, pinaramdam nitong gusto rin niyang ma-try ang ‘real puppy’ ng breeder. Bumigay naman daw ang blogger/breeder.

Hahaha.

Madaling nahulaan ang nasabing blind item ng mga manonood dahil kilala ang singer/actor na ‘kumabit’ sa mas may pangalang artista. Pero waley as in wala namang nangyari, parang nagpakaligaya lang talaga siya sa piling ng mga artistang mas may name sa kanya na sinasabing may mga bahid ng kabadingan kahit walang lumalabas na mga ebidensiya.

Marami pa silang pinag-usapan at inintriga na dapat n’yo panoorin sa Facebook page ng Pilipino Star Ngayon (pa-like, follow and share lang please) at sa YouTube channel ng PSN.

Starting June 11 nga pala ay mapapanood na rin ang nasabing digital program sa One PH ng Cignal TV.

BENJIE PARAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with