Loisa Andalio
Loisa nag-iba ang ginawa sa digital show
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - May 22, 2019 - 12:00am

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakapagbida si Loisa Andalio sa isang serye para sa iWant.ph. Kasamang bida ng aktres sa Past Present Perfect sina Shaina Magdayao at Vin Abrenica. 

Aminado si Loisa na nakaramdam siya ng pagkailang noong una habang ginagawa ang nasabing digital project.

“No’ng una siyempre nangangapa-ngapa pa rin ako. No’ng second sequence, kumportable na agad kami. Saka sobrang gaan lang ng set namin. Relaxed lang, ganyan,” bungad ni Loisa.

Gumanap ang aktres bilang batang Shantal na karakter naman ni Shaina. Ayon kay Loisa ay ibang-iba ang tema ng bagong proyekto kumpara sa kanyang mga nagawa na noon. “Yung character ko dito ay simpleng bata na nag-aaral at mahilig sa pagsusulat, sa paglikha ng mga tula, na nagkagusto sa teacher. Bilib ako sa mga writers o mga songwriters. Hindi ko alam kung paano nila nagagawa ‘yung gano’n. Sobrang lawak ng imagination nila para makagawa ng magandang istorya, magandang kanta,” pagbabahagi ng aktres.

Gustong kumustahin si Julia, Joshua wanted kay Dennis

Kung mabibigyan ng pagkakaton ay gusto raw ng ama ni Julia Barretto na si Dennis Padilla na makausap nang masinsinan ang kasintahan ng aktres na si Joshua Garcia. Ayon kay Dennis ay bihira na niyang nakakausap nang personal ang anak at kadalasan ay nagpapalitan na lamang sila ng text messages.

“Kasi alam niya na medyo bad shot sa akin si Joshua. Kaya hindi na siya nag-open up sa akin,” pagtatapat ni Dennis.

Hindi lingid sa kaalaman ng aktor na may pinagdaanan ang relasyon nina Julia at Joshua noon. Kaya ang tanging hangad lamang ni Dennis ay maging maayos ang samahan ng dalawa. “Maayos pa naman siguro ‘yon pero up to today, I’m still waiting for Joshua to reach out to me and mukhang hindi niya yata kaya and wala siguro sa personality niya na mag-reach out. I did my part. Kasi one time I texted him, I tried to call him, talk to him. Ang sabi naman sa akin, baka naman daw natatakot,” kwento ng aktor.

Gusto lamang daw kamustahin ni Dennis si Joshua at ang relasyon nila ni Julia kaya gustung-gustong makausap ang binata. “Kamusta ka na? Kamusta na kayo ng anak ko? ‘Yon lang naman ang importante, masaya sila ng anak ko ngayon, happy na ako. Ang sinasabi ko nga sa ibang tao, kapag sobrang init na sa kusina, lumabas ka na. Kung kaya mo pa ang init sa kusina, ipagpatuloy mo pa ang pagluluto diyan. Ano ba naman ang gagawin ko? Kakausapin nga kita, bakit naman ako gagawa ng isang bagay na ikasisira ko at ikasisira ng anak ko. I just want to talk to him if given a chance. Anyway, baka magkasulubong naman kami sa ABS-CBN,” paglilinaw ni Dennis.     (Reports from JCC)

LOISA ANDALIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with