Bong Revilla
Bong ayaw munang maniguro hangga’t ‘di napo-proklama
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - May 22, 2019 - 12:00am

Naudlot ang proclamation ng party-list winners at ang nanalong 12 senators kagabi, at inaasahang matutuloy na ito ngayong araw.

Ito ang dahilan kaya umiiwas muna si Sen. Bong Revilla na magpa-interview dahil mas mabuting hintayin na lang daw ang proklamasyon.

May ilang kaibigang reporters lang na hindi matanggihan ni Sen. Bong kaya nakakapanayam siya.

Nakausap naman namin ang Bacoor Mayor Lani Mercado kamakailan lang patuloy lang daw sa pagdarasal hanggang sa maiproklama ang asawa niya.

“Basta prayers lang. Sabi ko nga, kailangan talaga magdasal, kailangan mag-monitor, hindi mo masasabi na ito na talaga hangga’t hindi siya napo-proklama. So, we hope and pray na sana matapos na matuloy na talaga yung tentative na proclamation. Meron na nga nagsasabing mag-prepare na, iyun ang ipinagdarasal namin.

“Basta mag-prepare for the best and the worst. Huwag naman sanang worst.

“Sabi nga ng mga kaibigan namin, basta claim it. Prayers na lang talaga,” pahayag ni Mayor Lani.

Pero hindi pa rin tinitigilan si Sen. Bong nang pamba-bash at hindi na rin nakapagpigil si Mayor Lani may sinagot na rin siyang basher na ipinaalalang “not guilty” ang hatol sa asawa niya na ibinaba ng Sandiganbayan.

Kung si Sen. Bong lang, ipinagkibit-balikat na lang daw niya iyun at ayaw na niyang pansinin.

Pero nasasaktan na si Mayor Lani lalo na’t ang iba ay mga kasamahan pa raw na taga-showbiz.

Kaya malaking challenge daw ito sa asawa niya na kailangang mapatunayan nitong mali ang mga akusasyon ng mga namba-bash sa kanya.“Basta lahat ng bumoto kay Bong, rest assured na susuklian yan ni Sen. Bong Revilla ng tapat na paninilbihan.

Hunk singer/actor nakatikim  ng kapwa hunk actor   nang makasabay sa guesting

Hindi pa rin talaga nawawala ang mga kuwentong kabadi­ngan ng mga kilalang artistang matagal nang pinagdudahan ang kasarian.

Nagkukuwento ang isang guwapong blogger nang minsang nasa beach daw siya, nilapitan siya nitong guwapong aktor na lumabas sila at obvious na type siya pero tumanggi ito.

Iyun ay kuwento nitong guwapong blogger na tinanggihan daw niya ito. Pero hindi naman natin sure yan kung ano talaga ang totoo.

Ngayon, kuwento naman ito ng hunk singer/actor na hindi nauubusan ng kuwentong kabadingan.

Ang style raw kasi nito ay magyaya ng type niyang boylet na mag-bar o magkape at pagkatapos nun ay yayain daw sa condo niya.

Nangyari raw uli ito nang mag-guest itong si hunk singer/actor sa isang late night show at nakasabay niya roon ang isa ring guwapong hunk actor na halos kaedaran din niya.

Pagkatapos daw ng taping, nagkayayaan daw ang dalawa na mag-bar.

Uminom daw sila roon at medyo nala­sing na raw silang dalawa. Pero mas may tama raw itong si hunk actor na tila nataypan nitong si hunk singer/actor.

Dahil sa lasing na si hunk actor, dinala na lang daw siya ni hunk singer/actor sa condo unit niya. Hndi na natin alam kung ano ang kasunod. Pero hindi na raw bago itong style ni hunk singer/actor kapag may type siyang boylet.

Utol ni Aga ikinasal na

Ikinasal na pala nung nakaraang Lunes, May 20 ang isang Viva artist na si AJ Muhlach.

Ikinasal ang kapatid ni Aga Muhlach sa non-showbiz girlfriend niyang si Anna Patricia Mabasa. Ginanap sa isang garden sa Tagaytay na dinaluhan ng ilang kaibigan nila sa loob at labas ng showbiz.

Isa sa taga-showbiz na nakita namin sa social media ay si Luis Alandy. Hindi lang namin sure kung dumalo ba si Aga.

Hindi na kasi napapag-usapan ang tungkol kay AJ pagkatapos niyang lumabas sa Ang Probinsyano at sa ilan pang teleserye ng ABS-CBN 2.

Bago sumikat ang JaDine, naging leading man pa dati si AJ ni Nadine Lustre sa drama series dati ng TV5 na PS I Love You.

Hindi lang umalagwa nang bonggang-bongga ang kanyang showbiz career.

Congratulations sa bagong kasal na sina AJ at Anna.

BONG REVILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with