Miriam Quiambao
Miriam nakuha na ang best gift
SEEN SCENE - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - May 22, 2019 - 12:00am

SEEN: Si AiAi Delas Alas ang dream guest ni Eugene Domingo sa Dear Uge pero pinag-iipunan pa raw nila ang talent fee ng Comedy Queen. Nagpapasalamat si Eugene sa GMA 7 management dahil nauunawaan nito ang kanyang madalas na pagbiyahe sa Italy para makapiling ang Italian partner niya na si Danilo Bottoni. Sa tuwing nagbabakasyon si Eugene ng isang buwan sa Italy, tinatapos niya ang taping ng lahat ng episodes ng kanyang programa.

SCENE: May special participation si Eugene sa Family History, ang comeback movie ni Michael V. Kapalit ng cameo role ni Eugene sa Family History ang special guesting ni Michael V. sa Dear Uge.

SEEN: Tinanggap ni Dave Bornea ang gay character sa Sahaya dahil sa kagustuhan niya na masubukan ang lahat ng klase ng roles. Marami ang nagsasabi kay Dave na malaki ang pagkakahawig niya sa Sahaya lead actor na si Miguel Tanfelix.

SCENE: Nagluluksa si Louise Delos Reyes dahil namatay ang nanay niya noong May 4. Malaking tulong kay Louise ang comedy movie na ginagawa niya para mabawasan ang kanyang nararamdaman na kalungkutan.

SEEN: Mapapanood sa Biyernes, May 24, sa lahat ng mga television network ang much anticipated “collaboration” nina James Reid at Daniel Padilla.

SCENE: Nagbitiw si Senator Kiko Pangilinan bilang presidente ng Liberal Party dahil hindi nanalo sa midterm elections ang walong senatorial candidates ng kanilang partido. Marami ang nadismaya sa asawa ni Sharon Cuneta dahil sa kanyang desisyon na iwanan ang partido na mas nangangailangan ngayon ng suporta.

SEEN: Ang pagsisilang ng sanggol na lalake at pagiging isang ina ang best birthday gift na natanggap ni Miriam Quiambao na nagdiwang ng 44th birthday noong Lunes, May 20.

MIRIAM QUIAMBAO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with