^

PSN Showbiz

Mga gustong maging beauty queen malungkot sa pagbaba sa puwesto ni mayor Erap

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Mga gustong maging beauty queen malungkot sa pagbaba  sa puwesto ni mayor Erap
Mayor Isko Moreno Domagoso at Mayor Erap

‘Pamumulot’ng basura ni Isko inaabangan na

Malapit nang umupo sa puwesto ang mga nanalo noong nakaraang May 13 elections.

At isa sa binabantayan ay si bagong Manila Mayor Isko Moreno Domagoso.

Nag-e-expect ang maraming tutuparin nito ang paglilinis ng basura sa Maynila bilang alam ng lahat na dati siyang basurero sa Smokey Mountain. At bilang basurero kumbaga, ito raw ang ‘expertise’ niya - kung paano ang tamang paglilinis at pamumulot  ng mga basura.

Wini-wish din ng mga showbiz veteran like Tita E. na maibalik ang dating ningning ng Escolta, Avenida at Recto na naglaho na bago pa man umupo sa pagka-mayor si Mayor Erap.

Ang Escolta noon makikita ang mga office ng movie productions at doon nagkalat ang mara­ming sikat at ‘di gaanong sikat na mga artista.

Samantala, malungkot naman ang mga taga-Maynila na nangangarap maging beauty queen. Wala na raw silang chance na maging Miss Manila dahil sa pagkatalo ni Mayor Erap.

Si Mayor Erap ang nagsimula ng isa na ngayong kino-consider na prestigious beauty pageant na Miss Manila.

Maraming nanggaling dito ang nagkaroon ng title sa mga national pageant na ang iba ay nakakarating pa sa international beauty pageant.

Ituloy kaya ni incoming Mayor Isko ang Miss Manila na laging part ng celebration ng Miss Manila sa panahon ni Mayor Erap?

vuukle comment

ISKO MORENO DOMAGOSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with