^

PSN Showbiz

Matteo mainit ang umpisa sa pag-a-army

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Matteo mainit ang umpisa sa pag-a-army
Matteo Guidicelli

Sana ay ituloy na lang ni Matteo Guidicelli ang pagsusundalo at ‘wag na lang basta maging reservist ng Philippine Army.

Kahapon ay hot item ang photo nang pagsama niya sa Army Roadshow para sa pagsisimula ng gradudation week ng Philippine Military Academy, na sinabayan ng demonstration sa Borromeo Field. Ang nasabing two-day Army Roadshow sa PMA ang ginamit na pang-attract sa mga new graduate na ma-recruit sa kanilang Special Forces Command na binubuo ng Light Reaction Company, Scout Ranger Regiment, Special Forces and Air Borne troops.

Sana nga maka-engganyo din si Matteo ng mga celebrity para maging miyembro ng Army para mas marami pang mga poging Army na baka dahil sa kanila ay matapos na ang ‘giyera’ dito sa ating bayan.

Anyway, kahapon din ay lumabas na ang approval ng House of Representatives sa third and final reading ng House Bill 8961 na bumubuhay sa mandatory Officers Training Corps (ROTC) for Grades 11 and 12 sa public and private schools.

Maalalang matagal-tagal ding nawala ang ROTC dahil sa sinasabing nagagamit ito sa ilang pag-abuso sa mga estudyante kasabay ng pagkawala na rin ng disiplina ng karamihan sa atin.

vuukle comment

MATTEO GUIDICELLI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with