^

PSN Showbiz

Lea simplehan ang ginawang paninita

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Lea simplehan  ang ginawang paninita
Lea Salonga

Laugh ako sa balita na medyo nagalit si Lea Salonga sa cellphone na tumunog habang may concert siya sa Arizona, USA.

Ang galing ng reaction ni Lea dahil sa sinabi nito na kung puwede sagutin muna ng may-ari ng cellphone ang tawag dahil baka emergency ito bago niya ituloy ang kanyang pagkanta. Bongga di ba?!

Kaya nga dapat, sinusunod natin ang paulit-ulit na reminder bago magsimula ang concert na please turn off your cellphone o i-mute para hindi makaabala.

Madalas na nangyayari ang ganyang insidente sa loob ng simbahan habang nagaganap ang misa, biglang may tumutunog na cellphone na ikinaiirita ng ibang churchgoers na taimtim na nagdarasal at nakikinig sa sermon ng pari.

At least, si Lea, hindi nasira ang poise, at bongga talaga ang kanyang reaksyon na puwede sagutin baka emergency sabay taas ng kilay!

 Former Senator Loren waging-wagi sa kanyang probinsiya

Congrats kay former Senator Loren Legarda na nanalo na house representative ng lone district ng Antique sa eleksyon na nangyari noong May 13, 2019.

Overwhelming ang boto na natanggap ni Mama Loren na tinalo ang isang former governor at congressman ng Antique.

Labingwalong taon na naglingkod si Mama Loren bilang senador at first time niya na kumandidato para sa isang local position pero win pa rin siya. Maganda kasi ang track record ni Mama Loren sa senado kaya siya ang ibinoto ng mamamayan ng Antique.

Herbert nagbabalot na

Hindi ako magtataka kung nagsisimula nang magbalot ng gamit si Quezon City Mayor Herbert Bautista dahil hanggang sa June 30 na lang ang panunungkulan niya.

Maganda ang exit ni Herbert dahil natapos nito ang tatlong termino ng paglilingkod sa Quezon City kaya aalis na siya sa kanyang opisina, hindi dahil natalo ang kandidatura niya.

Sinabi naman ni Harlene Bautista na kahit hindi na alkalde ng Quezon City ang kuya niya, magiging visible pa rin ito pero sa showbiz nga lang.

Magpo-produce ng mga pelikula ang Hea­ven’s Best Entertainment at ito ang tututukan ni Herbert na involved na involved sa pagpili at pagbili ng mga equipment, ayon sa kuwento ni Harlene sa birthday blow out nila ni Hero sa members ng entertainment press na nagdiwang ng birthday mula January 2019 hanggang June 2019.

vuukle comment

LEA SALONGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with