Barbie Imperial at JM de Guzman
Barbie umayaw makasama si JM
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - May 21, 2019 - 12:00am

Isang pelikula dapat ang muling pagtatambalan nina Barbie Imperial at JM de Guzman pero tinanggihan ito ng aktres. Matatandaang naging kontrobersyal ang paghihiwalay ng dalawa na ­unang nagkamabutihan nang magkatambal sa teleseryeng Araw Gabi.

“Dapat meron kaming gagawin kay Ate Ara Mina. Kasi parang gustong mag-produce ni Kuya Patrick Meneses (ama ng anak ni Ara) ng movie for me and JM pero sinabi ko na hindi pa time. Sinabi ko rin feeling ko maiistorbo namin‘yung makakatrabaho namin kung hindi pa kami okay sa isa’t isa. Mas pipiliin ko na wait lang muna, huwag nating madaliin. Ayoko nang makadamay ng ibang tao and gusto ko na pareho kaming healed na bago kami mag-work ulit together,” paliwanag ni Barbie.

Hindi raw umaasa ang aktres na hihingi ng tawad sa kanya si JM sa kung ano man ang naging gusot sa pagitan nila. “No, hindi talaga. Clear naman siya na hindi. Pero I respect that naman kasi alam ko naman din si JM kilala niya ako. Ayoko nang binibigla ako ng, ‘Forgive me.’ Gusto ko makalimot muna ako. Tapos saka tayo mag-usap,” paglalahad ng aktres.

McCoy malaki ang pasasalamat kay Maris

Noong Sabado ay muling nagkatambal para sa Maalaala Mo Kaya sina Maris Racal at McCoy de Leon. Aminado ang aktor na nakaramdam siya ng kilig nang malaman na muling makakatrabaho ang dalaga.

“’Yung kilig siyempre parang ‘yung kilig na ‘yung makakatrabaho ko ulit siya. Kasi sobra niyang gaan katrabaho,” nakangiting bungad ni McCoy.

Maraming mga tagahanga ang tambalan ng dalawa noon bago pa man pumasok si McCoy sa Pinoy Big Brotherhouse kung saan naman sila unang nagkamabutihan ni Elisse Joson. Noong mga panahon ding iyon ay namayagpag naman ang tambalan nina Maris at Inigo Pascual.

Malaki ang pasasalamat ni McCoy kay Maris dahil sa kabila ng mga pinagdaanan nilang dalawa noon ay wala namang narinig na masasamang salita ang binata mula sa aktres. “Ang laking pasasalamat ko sa kanya. Kasi sa mga interview niya, never niya akong ginawang masama. Sobrang thankful pa rin ako, naging positive pa rin siya. Tapos dire-diretso pa rin siya,” makahulugang pahayag ng aktor.

Pagkatapos mapanood sa MMK ay isang bagong pelikula naman ang muling pagtatambalan nina Maris at McCoy.  “Mayroon kaming Block Z na ginagawa. Kasama namin‘yung JoshLia. Sina Joshua Garcia at Julia Barretto, apat kami,” pagtatapos niya.  (Reports from JCC)  

BARBIE IMPERIAL JM DE GUZMAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with