^

PSN Showbiz

‘Woman’ uso sa teleserye

SEEN SCENE - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Kahapon, May 20, ang pilot telecast ng Alex and Amie, ang comedy at live animation series nina Max Collins at Mikael Daez na mapa panood tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:30 am sa GMA-7. Dalawa na ang Monday to Friday show ni Max dahil bukod sa Alex and Amie, napapanood din siya sa Bihag.

SCENE: Dalawa rin ang programa ni Dominic Roco sa GMA-7, ang Alex and Amie at ang Dahil Sa Pag-Ibig na parehong nagsimula kahapon ang airing.

SEEN:  May “woman” ang pamagat ng mga upcoming television series ng ABS-CBN at GMA-7, ang Love Thy Woman na pinagbibidahan nina Xian Lim, Kim Chiu at Erich Gonzales at ang The Better Woman, ang drama series nina Andrea Torres at Derek Ramsay.

SCENE: Malapit nang mag-resume ang shooting ng Fusion dahil naiproklama na si Hero Bautista bilang re-elected councilor ng 4th District ng Quezon City. Si Hero ang bida ng Fusion at co-stars niya sina Maria Ozawa at Daiana Menezes. Nahinto ang shooting ng Fusion dahil sa pangangampanya ni Hero.

SEEN: Sina Robin Padilla at Arnell Ignacio ang dalawa sa mga supporter ni Senator-elect Bong Go na dumalo sa thanksgiving party nito na ginanap sa Rizal Park Hotel noong Linggo, May 19, 2019.

SCENE: Pinaghahandaan na mabuti ni Julie Anne San Joseang Julie Sings the Divas, ang solo concert niya sa The Theatre ng Solaire Resort & Casino sa July 20, 2019. Special guest ni Julie Anne si Arnel Pineda. Nag-celebrate si Julie Anne ng 25th birthday niya noong May 17, 2019.

SEEN: Nominado si Paolo Contis sa best actor category ng dalawang award-giving bodies para sa performance niya sa Through Night and Day. Inisnab ng 67th FAMAS ang mahusay na acting ni Paolo sa critically-acclaimed movie nila ni Alessandra de Rossi.

vuukle comment

XIAN LIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with