Sue Ramirez
Sue nagsalita sa totoong nakaraan nila ni Ronnie
SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - May 20, 2019 - 12:00am

Nilinaw ni Sue Ramirez na hindi sila naging magkasintahan ni Ronnie Alonte. Matatandaang naugnay ang dalawa noong isang taon. “Hindi talaga,” giit ni Sue.

Ngayon ay ang miyembro ng Boyband PH na si Joao Constancia ang napababalitang kasintahan ng aktres.Bilang nobya ay hindi raw si Sue ang tipo ng babae na selosa. “Hindi ako masyadong selosa. Saka wala naman akong dahilan. Hindi naman ako nabigyan (ng dahilan),” pagbabahagi ng dalaga.

Walang problema kay Sue kahit hindi nababanggit ni Joao sa mga panayam nito ang tungkol sa relasyon nilang dalawa. Para sa aktres ay mas mahalaga na nagkakaintindihan sila ng binata. “It’s not what he says to other people about me. It’s what he says to me that matters. It’s not what he shows other people. It’s what he shows me,” nakangiting pahayag ng aktres.

Toni halu-halo ang nararamdaman sa pagbabago ng Home Sweetie…

Limang taon nang napapanood tuwing Sabado ang Home Sweetie Home. Matatandaang unang pinagtambalan ito nina Toni Gonzaga at John Lloyd Cruz. Si Piolo Pascual naman ang pumalit sa aktor nang magdesisyong magpahinga muna sa show business noong 2017. Kamakailan ay si Piolo naman ang nagpaalam sa programa dahil sa ilang mga personal na dahilan.

Noong isang linggo ay nagsimula na ang bagong yugto ng inaabangang sitcom. Nadagdag na sa cast nito sina Rio Locsin, Bayani Agbayani, Yamyam at Fumiya ng Pinoy Big Brother: Otso, Vhong Navarro, Alex Gonzaga at Luis Manzano. 

Home Sweetie Home: Extra Sweet na ang bagong titulo nito ngayon.

Malaki ang pasasalamat ni Toni dahil kahit marami nang pinagdaanan ang kanilang programa ay patuloy pa rin itong sinusuportahan ng mga manonood. “It has been a beautiful journey para sa programa since nag-start siya ng 2014. Maraming nangyaring transition, maraming pinagdaanan ang show and nagpapasalamat kami dahil may mga sumusuporta pa din sa aming programa,” bungad ni Toni.

Magkahalong emosyon ang nararamdaman ng aktres dahil sa mga pagbabagong nangyari sa kanilang programa. “From the start na nagkaroon kami ng big challenge, nagkaroon ng challenge ang programa, naihanda ko na ‘yung sarili ko. Mixed emotions actually, may part na malungkot ka, I’m sure lahat kami dito sa programa alam naming lahat ‘yung pakiramdam na maging attached ka sa grupo na isang pamilya at magkatrabaho na matagal mo nang nakasanayan. There’s a big part of you na hindi mawawala ‘yon. With a heavy heart, we closed that chapter. But with a hopeful one, I’m very happy to think forward and to think for this family na nabuo namin ngayon,” paglalahad ng aktres.    (Reports from JCC)

SUE RAMIREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with