Pia Wurtzbach
Pia at Vhong nag-umpisa na
SEEN SCENE - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - May 20, 2019 - 12:00am

SEEN: Nagsimula na ang shooting nina Pia Wurtzbach at Vhong Navarro para sa kanilang still untitled dark come­dy movie sa Black Sheep Productions, ang film company na subsidiary ng Star Cinema.

SCENE: Mapapanood ngayong hapon ang unang episode ng Dahil Sa Pag-Ibig, ang afternoon drama series ng GMA-7 na tinatampukan nina Sanya Lopez, Winwyn Marquez, Pancho Magno at Benjamin Alves. Ibang-iba ang kuwento ng Dahil sa Pag-Ibig ng Kapuso Network sa Dahil Sa Pag-Ibig ng ABS-CBN noong 2012 na pinagbidahan nina Piolo Pascual, Jericho Rosales, Maricar Reyes at Cristine Reyes.

SEEN: Cast member si Tetchie Agba­yani ng Dahil Sa Pag-Ibig ng ABS-CBN noong 2012 at mapapanood uli siya sa Dahil Sa Pag-Ibig ng GMA-7 bilang nanay ni Benjamin Alves.

SCENE: Malakas na flying kick sa likod ang ipinatikim kay Arnold Schwarzenegger ng isang lalaki sa sports event na dinaluhan niya sa South Africa noong  Sabado, May 18, pero hindi nasaktan ang 71-year old Hollywood actor. 

SEEN: Natabunan ng mga balita tungkol sa midterm elections ang announcement tungkol sa boxing fight nina Senator Manny Pacquiao at American boxer Keith Thurman sa July 20, 2019 sa Las Vegas, Nevada.

SCENE: Si Senator Manny Pacquiao ang host ng dinner para sa mga winning senatorial candidate noong Sabado, May 18, 2019. Sina Bong Revilla, Bong Go, Ronald ‘Bato’ Dela Rosa at Koko Pimentel ang ilan sa mga dumalo sa dinner.

SEEN: Ang pasasalamat ni ER Ejercito sa lahat ng mga sumuporta sa kanyang governatorial bid sa Laguna pero hindi umano siya nanalo dahil hindi uli naging patas at parehas ang eleksyon noong May 13, 2019.

PIA WURTZBACH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with