Alden
Daniel sumali, Last shooting day nina Kathryn at Alden binaha ng pagkain!
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - May 20, 2019 - 12:00am

Kahapon ng umaga na natapos ang principal photography ng pelikulang Hello, Love Goodbye nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Nung nakaraang Sabado ang last shooting day nito, pero inumaga na sila dahil sa pawang mabibigat na eksena ang kinunan sa Sucat, Muntinlupa.

Pero kahit mabibigat ang mga eksena ng dalawang bida ng natu­rang pelikula, ang gaan pa rin daw ng shooting dahil masaya silang lahat pati mga production staff na alagang-alaga nina Alden at Kathryn pati ang mga producer.

Bumaha raw ang mga pagkain na dala nilang lahat, pati ang fans na dumalaw doon.

Tahimik lang naman daw ang fans na nagbabantay sa kanila hanggang umaga.

Kahit puyat, masaya raw silang umuwi dahil sa pag-istima sa kanila ng dalawa.

Dumating din doon ang ibang cast na hindi na kasali sa eksena. Nandun si Joross Gamboa kasama ang asawa niya at masayang nakipagtsikahan sa kanilang lahat.

Dumalaw din si Da­niel Padilla na kasama ni Kathryn sa event ng isang endorsement nila bago mag-shooting.

Pati ang ilang taga-GMA Artists Center ay nandun din at masayang nakipagtsikahan sa mga taga-Star Cinema.

Ang saya nga raw nila roon at hindi nakaramdam ng pagod dahil walang nega, happy lang lahat.

Wala pang final announcement ang Star Cinema kung kailan ang showing nito pero ang dinig namin bandang end of July daw.

So, may sapat pa silang panahon sa post production at promo ng pelikula.

Goma ipinagbawal ang pagsasayaw  ng budots sa Ormoc

Ang dami pa rin talagang ginagawa ng mga netizens sa pinag-uusapang budots dance ni Sen. Bong Revilla.

Kung anu-ano na ang ginagawa nila para paglaruan ang nagbabalik na senador o kaya laitin ito.

Natatawa na lang daw sila kapag nakikita nila ito sa social media, at hindi na sila apektado.

Pero nilinaw ni Sen. Bong sa isang radio interview sa kanya na hindi naman daw siya magbu-budots sa senado.

Ang sabi naman ng mga supporter niya, iyung budots commercial niya magaan lang na sagot sa matinding bashing na ibinabato sa kanya.

Itong budots nga ang isa sa napag-usapan namin ng mag-asawang Ormoc Mayor Richard Gomez at Cong. Lucy Torres-Gomez, dahil sikat na sikat pala ang sayaw na ito sa Ormoc, at kahit sa ilang lugar sa Bisaya.

Pero sabi ni Mayor Goma, hindi na raw niya in-allow ang pagsayaw ng budots sa kanilang lugar dahil kapag tumatagal ang naturang sayaw, parang ang bastos na raw.

“Very sexual kasi yung dance eh. Yung mga bata naggaganunan sila,” pakli ni Mayor Goma.

“Uso siya sa barangay, pero kahit may mag-lobby sa sayaw na yan, hindi talaga siya maging cultural dance.

“Kaya pag pumunta ka sa Ormoc, sa barangay, yung welcome dance, calachuchi dance na,” dagdag na kuwento ni Cong. Lucy.

Sabi pa ng Ormoc Mayor; “Very popular yung budots. Pag tiningnan mo talaga ano eh…dumating na sa point nagiging malaswa na.

“Nung naging Mayor ako ng 2016, sabi ko sa DepEd, ibalik natin yung mga cultural dance ha? Huwag muna yung mga budots,” nakangi­ting pahayag ni Mayor Goma.

Hindi namin tinanong ang mag-asawang Richard at Lucy, pero ramdam naming sinuportahan nila si Sen. Bong dahil hindi raw makakalimutan ni Cong. Lucy na nung senador pa ang actor/politician, nagbigay daw ito ng mga classrooms sa kanilang lugar sa district 4 ng Leyte.

Kaya nung pumunta raw doon sa Ormoc si Sen. Bong para mangampanya, inistima nila ito nang husto, gaya rin nang pag-asikaso nila sa ilan ang kandidatong pumunta ng Ormoc.

Kuwento pa ni Cong. Lucy; “I needed classrooms nun, may shortage and the government could ano…parang yung quota for the district konti lang, and then pumunta ako kay Sen. Bong. Sabi niya, ‘sige bigyan kita ng classrooms, appear ka sa movie ko.”

Ginagawa raw ni Sen. Bong noon ang pelikula niyang Panday at pinakiusapan niyang mag-guest doon si Cong. Lucy bilang diwata.

“Hindi ako artista, pero iniisip ko kung kukunin niya ako diwata, multo o kaya si Mama Mary, okay na rin walang speaking lines yun. So yun… talagang binigay niya yung classrooms,” masayang kuwento ni Cong. Lucy.

Kaya sabi nga ni Mayor Lani Mercado nang nakapanayam din namin kamakailan lang, malaking challenge daw ito sa asawa niya na kung sakaling makabalik na si Sen. Bong sa senado, mala­king responsibilidad daw itong dala dala niya dahil kailangan niyang mapatunayang mali ang mga inaakusa sa kanya.

ALDEN RICHARDS KATHRYN BERNARDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with