Babaeng personalidad na nasobrahan ng bilib sa sarili, nasupalpal sa mga inupak-upakang pulitika
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - May 20, 2019 - 12:00am

Wala talagang ibinubungang positibo ang pagyayabang. Mas mara­ming salita ay mas napag-iiwanan sa laban. Ganu’n na ganu’n mismo ang naganap sa karerang pulitikal ng isang kilalang female personality na sumobra ang bilib sa kanyang sarili.

Mula nang madikit sa kanyang makapangyarihang pulitiko ang babaeng ito ay parang inangkin na niya ang isandaang porsiyento ng kalayaang sabihin ang kanyang gusto kahit pa nakapananakit na siya nang sangdamakmak na tao.

Wala siyang pakialam sa damdamin ng iba, ikinatutuwa pa niya ang ganu’n, kasi raw ay totoong epektibo na siya dahil nagiging matindi ang reaksiyon ng mga taong inilalaglag niya.

Pero ngayon ay siya ang nalaglag sa imburnal ng pagkabigo. Ang mga binibira niyang pulitiko ay kasama niya ngayon sa kahihiyan dahil pare-pareho lang silang olats sa laban.

Reaksiyon ng aming source, “Nasaan na ang milyun-milyon niyang followers ngayon? Kung kailan naman niya kailangan ang matinding suporta para maipanalo ang laban niya, e, saka nagsipagtago ang mga taong inaasahan niyang magluluklok sa kanya?

“Hindi ba, ang milyun-milyong bilang ng mga supporters at kaalyado niya sa pagbira ng ibang pulitiko ang inaasahan niyang magpapanalo sa kanya?

“Nasaan na ang limang milyong folowers niya? Bakit kaunting porsiyento lang ang nakuha ng tropang pinamumunuan niya? Anyare?

“Inuna niya kasi ang pagkuda. Wala na siyang ginawa kundi ang kumuda nang kumuda. Palagi niyang pinagkakaabalahan ang pagbira sa mga itinuturing niyang kalaban ng idolo niyang pulitiko, kaya ayan ang napala niya!” madiing komento ng aming impormante.

Sumobra nga ang hiram na kapangyarihan ng babaeng ito nu’ng mga nakaraang panahon. Palibhasa’y kinakampihan siya ng mga sinasandalan niya, ipinagtatanggol sa kanyang mga kalokahan, kaya sumobra ang bilib ng babaeng ito sa kanyang sarili.

Sa panghuli ay isa lang ang naikomento ng aming source, “Anong mukha pa kaya ang ihaharap niya ngayon sa mga taong inupak-upakan niya nu’n? Magkakasama na sila ngayon sa pagluha!

“Pare-pareho silang olats! Hindi naging epektibo ang milyun-milyon niyang tagasubaybay, kaya mukha niya!” madiing pagtatapos ng aming source.

Ubos!

JK pinapupunta na Lang sa buwan

Umeksena na naman ang daldakinong singer na si JK Labajo. Hindi lang pala si Darren Espanto ang gusto niyang tutukan kundi pati ang mga nanalong artistang pumasok sa mundo ng pulitika.

Ang komento ni JK, “Wala na ba talagang standard? Lipat na lang ako sa ibang bansa! Nagiging showbiz na kasi. Ibinoto lang dahil pogi.”

Ang resbak kay JK ng mga kababayan natin, “Huwag ka lang mangibang-bansa, magpunta ka na lang sa buwan! Du’n ka manirahang mag-isa para maging masaya kang hayup ka!”

Anong standard kaya ang kinukuwes­tiyon ng nagpasikat ng piyesang Buwan? Sana, bago siya kumuda, ay binasa niya muna ang pinaiiral na kuwalipikasyon mismo ng COMELEC para sa mga kababayan nating gustong tumakbo sa iba-ibang posisyon.

Marunong bumasa at sumulat. Basta kayang suportahan ang malawakang kampanya para sa inaasintang posisyon ay puwedeng kumandidato.

Para kay JK Labajo ba ay bawal pumasok sa pulitika ang mga artista kaya naghahanap siya ng sinasabi niyang standard? Hindi ba siya mulat sa katotohanan na maraming sikat na perso­nalidad na nanalo at nakapagdeliber ng mga pangangailangan ng kanilnag mga nasasakupan?

Mema lang kasi. Makasawsaw lang. Kahit ano na lang ay ikinukuda kahit kapos sa basehan. Tama ang payo sa kanya ng mga netizens, lumipad na lang siya sa buwan, du’n na lang siya manirahan habambuhay.

Tumira na lang siya sa ilalim ng puting ilaw sa dilaw na buwan. Kayganda pa namang piyesa, pero ang kumanta, pasaway!

JK LABAJO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with