“Idol” hopefuls, napapansin ng foreign stars
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - May 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kinabibiliban na rin ng ibang lahi ang galing ng Idol hopefuls ng Search for the Idol Philippines matapos purihin ng iba’t ibang foreign singers at YouTube reactors ang kanilang audition performances online.

Bagama’t kakapalabas lamang ng audition clip niya nitong Linggo (Mayo 12), agad ngang napansin ng American singing legend na si Anita Baker ang galing ni Lance Busa mula Butuan City matapos siyang i-follow nito sa Twitter at ni-retweet ang performance niya na may caption na “Soul music alive and well with our friends in the Philippines.”

Dagdag din sa mga tagahanga niya ang isa pang American singer na si Brian McKnight na nag-follow din sa kanya sa Instagram. Pinuri rin ang nakabibilib niyang performance ng American Idol season 7 alumnus na si David Hernandez, at ni-repost pa ng foreign Instagram account na @theyhavetherange.

Samantala, sunod-sunod naman ang reaction videos ng foreign YouTube reactors na hindi napigilang humanga sa mahuhusay na audition performances ng Idol hopefuls.

Tuloy-tuloy pa nga ang auditions ngayong weekend na magpapabilib at aantig sa puso ng mga manonood. Sino-sino pa nga bang Idol hopefuls ang dideretso sa Idol City?

 Samantala, patuloy namang nangunguna tuwing weekend ang Search for the Idol Philippines. Nitong Sabado (Mayo 11), nagtala ito ng national TV rating na 31.3%, ayon sa datos ng Kantar Media. Noong Linggo (Mayo 12) naman, nagkamit ang reality-singing competition ng 27.8%.

IDOL PHILIPPINES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with