Vico, Alden at Coco hindi priority ang paghahanap ng dyodyowain
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - May 19, 2019 - 12:00am

Nakakatuwa naman Salve ang single men achievers tulad nina Vico Sotto, Alden Richards at Coco Martin.

Parang hindi na uso ang young marriages dahil inumpisahan ito ni Noynoy Aquino na single nang maging pangulo ng Pilipinas at ngayon, nandiyan sina Pasig Mayor-elect Vico, Alden at Coco na mga unmarried pa rin kahit may kakayahan na sila na bumuo ng pamilya.

Sa bilis ng panahon at sa rami ng mga challenge sa buhay na hinaharap, nalilimutan na rin  ng iba ang makipag-relasyon.

Puwedeng kinukuha nila ang inspirasyon sa ibang bagay at hindi sa pagkakaroon ng girlfriend kaya ang kanilang success o achievements ang dahilan kaya wala silang mga lovelife.

Sigurado nang si Coney Reyes ang tatayo bilang first lady ng Pasig kapag nagsimula na ang panunungkulan ni Vico sa susunod na buwan, ang kapatid na babae ang magiging representative ni Alden at ang manager ni Coco na si Biboy Arboleda ang patuloy na mag-aasikaso sa kanya.

Mabuti na rin na complete ang maturity nina Vico, Alden at Coco bago sila sumabak sa married life para mas matibay ito.

Mga ‘angel’ ng Villar nangunguna sa pagsasaya ng kanilang panalo.

Sure ako na sobrang masaya ang staff nina former Senator Manny Villar at Senator Cynthia Villar dahil nanalo si Camille Villar na house representative ng lone district ng Las Piñas City.

Imagine, Grade 6 student pa lang si Camille, empleyado na ng pamilya nila sina  Ditas Magno at Avic Amarillo.

Nasubaybayan nina Ditas at Avic ang paglaki at pagdadalaga ni Camille na isa nang congresswoman ngayon.

Ito ang sinasabi ko na family feeling kapag nagtrabaho ka sa isang kompanya, mahal mo ang mga big boss mo at alagang-alaga ka rin nila.

Parang anak na rin ang trato nina Ditas at Avic sa ibang mga anak nina Papa Manny at Mama Cynthia, sina Paolo at DPWH Secretary Mark.

Ang mga achievement ng Villar kids, karangalan na rin nina Avic, Nini Rubia-Enrique at Anna Mae Lementillo.

Villar angels ang tawag ko sa kanila dahil kahanga-hanga ang pagiging competent nila. Bongga talaga, jump with joy ang drama nina Ditas at Avic dahil nahalal na number one senator si Senator Cynthia Villar at congresswoman si Camille.

Samantala, naging co-host ni Willie Revillame si Camille sa Wowowin na napanood noon sa TV5.

Kahit sandali lang ang exposure sa game show ni Willie dahil kailangan niya na mag-aral sa ibang bansa, nakilala at natandaan ng publiko si Camille.

May mga attempt noon na i-link sina Willie at Camille sa isa’t isa pero hindi nagtagumpay dahil younger sister talaga ang trato ni Willie sa one and only daughter nina Papa Manny at Mama Cynthia.

Love na love ni Willie ang mga Villar na itinuturing niya na pangalawang pamilya kaya tumulong siya sa senatorial campaign ni Mama Cynthia. I’m sure, tinulungan din ni Willie si Camille sa kampanya nito tulad ng pagsuporta niya sa mayoral bid ni Quezon City Mayor-elect Joy Belmonte.

Kapag nagkikita at nagkakausap kami ni Willie, hindi nito nakakalimutan na banggitin ang mga Villar at ang mga tulong na naibigay sa kanya ng “second fa­mily” niya.

ALDEN RICHARDS COCO MARTIN VICO SOTTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with