Ryza halos ‘di makilala ang sarili sa naging relasyon kay Cholo
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - May 19, 2019 - 12:00am

Hindi malinaw kung ano ang naging dahilan ng paghihiwalay nina Ryza Cenon at Cholo Barretto bilang magkasintahan. Matatandaang nagkahiwalay ang dalawa kamakailan lamang. “Sa amin na lang siguro kung ano man ‘yung meron sa ‘min,” bungad ni Ryza.

Sa ngayon ay hindi pa nanunumbalik ang pagiging magkaibigan ng dating magkasintahan ayon sa aktres. “’Di ko masasabing we’re friends. Ayoko rin naman magsara ng door o magsabi nang tapos. Sa ngayon po sa nararamdaman ko, hindi pa ako ready makipag-friends,” makahulugang paliwanag ng dalaga.

Tumagal lamang ng dalawang taon ang relasyon nina Ryza at Cholo. Para sa aktres ay maraming mga bagay din ang kanyang natutunan mula rito. “Kailangan magtira ka sa sarili mo. Kasi kapag hindi ka nagtira, nawawala ka eh, na hindi mo na nararamdaman ‘yung sarili mo. Hanggang sa hindi mo na rin kilala ‘yung sarili mo,” paliwanag niya.

Magkatrabaho ngayon ang dating magkasintahan sa teleseryeng The General’s Daughter at para kay Ryza ay hindi naman mahirap ang kanilang sitwasyon ng binata. “Actually Tito Boy, naka-move on na ako. Hindi naman mahirap. For me ha, kasi hindi po eh. Kapag trabaho po kasi ako, trabaho eh. Kapag po personal, hindi ko po talaga dinadala,” pagtatapos ni Ryza.

Loisa, gusto nang magpa-sexy

Kamakailan ay nagdiwang ng kanyang ika-dalawampung kaarawan si Loisa Andalio. Para sa aktres ay kailangan na niyang magbago ng imahe lalo na sa kanyang mga ginagawang proyekto. “Sa akin ngayong twenty na ako, mas gusto ko ‘yung mas drama. Siguro ‘yung sexy didikit na lang ‘yon sa pagiging mature ng character eh,” nakangiting pahayag ni Loisa.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto ng dalaga na mas challenging roles na ang kanyang mga susunod na gagawin. “Mas gusto ko talaga ‘yung drama. ‘Yung sobrang lalim na character para mas ma-challenge ako. Gusto ko makita naman nila (mga tagahanga) ‘yung side ko na malalim. ‘Yung may grabeng pinagdadaanan ‘yung character,” dagdag pa niya.

Samantala, kahit kulang pa ang mga gamit sa bagong bahay ay nakalipat na raw ang aktres dito. Masayang-masaya si Loisa dahil sa murang edad ay mayroon na siyang mga naipupundar mula sa mga trabahong kanyang pinaghirapan. “Mayroon na kaming matatawag na bahay namin. Kasi dati talaga wala. Hindi ko na iisipin kung saan kami titira. Parang paano kung wala na akong trabaho? Hindi naman forever itong showbiz. Hindi mo masasabi hanggang kailan ka mainit,” pagbabahagi ng dalaga.(Reports from JCC)

RYZA CENON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with