^

PSN Showbiz

Matteo magpapakalbo!

SEEN SCENE - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon
Matteo magpapakalbo!

SEEN: Tatlo ang Tagalog movies na magkakasabay na magbubukas sa mga sinehan sa May 29, 2019, ang Finding You ng Regal Entertainment Inc., ang Quezon’s Game ng Star Cinema/Kinetek at ang Banal ng APT Entertainment.

SCENE: 45 days na walang communication si Matteo Guidicelli sa kanyang pamilya at girlfriend na si Sarah Geronimo dahil bawal ang cellphone kapag nagsimula na ang training niya sa Philippine Army sa May 27, 2019. Required din si Matteo na magpakalbo kaya hindi niya alam ang magi­ging itsura niya kapag natapos sa July 1 ang kanyang training.

SEEN: Bago siya nagdesis­yon na bitawan ang pamamahala sa career ng Ex Battalion, nagdasal na mabuti si AiAi Delas Alas at inihanda nito ang sarili sa mga batikos na matatanggap niya mula sa fans ng grupo. Gulat na gulat at hindi makapaniwala si AiAi dahil kabaligtaran ang nangyari, ang Ex Battalion ang binatikos at dinurog ng husto ng mga basher na kinondena ang unprofessionalism at pagiging pasaway ng anim na miyembro.

SCENE: 27 years old pa lang si Winwyn Marquez kaya puwede pa siya na sumali sa Bb.Pilipinas sa 2020. Marami ang humihikayat kay Winwyn na muling subukan ang kapalaran sa Bb.Pilipinas, kahit may international beauty title na siya, ang Reina Hispanoamericana 2017. Mapapanood si Winwyn sa Dahil Sa Pag-Ibig, ang afternoon drama series ng GMA-7 na mapapanood simula bukas, May 20, 2019.

SEEN: Kidney failure ang ikinamatay noong May 16 ng 90’s actor na si Daniel Figueroa, isa sa mga protegee ng sumakabilang-buhay na direktor na si Maryo J. Delos Reyes. Nakaburol si Daniel sa San Vicente Chapel, Gapan, Nueva Ecija.

SCENE: Matagal nang hindi nag-uusap ang aktres at kanyang ina dahil sa pakikialam nito sa personal na buhay niya. Nagalit ang aktres dahil minaliit ng kanyang ina ang lalake na pinakasalan niya. Nawalan ng source of income ang stage mother dahil pinatalsik na siya ng kanyang anak bilang business manager.

SEEN: Bakit Gano’n ang pamagat ng original theme song ng Family History, ang upcoming movie ng GMA Pictures na pinagbibidahan nina Michael V. at Dawn Zulueta. Cast member ng pelikula si Miguel Tanfelix at isa siya sa mga kumanta ng theme song ng Family History.

vuukle comment

MATTEO GUIDICELLI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with