^

PSN Showbiz

Vic iba ang closeness sa mga anak

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Vic iba ang closeness sa mga anak

Tiyak na kakaiba ang ligaya na nadarama ni Vic Sotto sa panalo ng kanyang anak na si Vico as mayor of Pasig City at ganito rin siguro ang feeling niya kapag nananalo ang daughter niya na si Paulina sa mga golf tournament na sinasalihan.

Close kay Bossing ang lahat ng mga anak nito  at kitang-kita ang kanyang pagmamahal sa bawat isa kaya palagay ko, iba rin ang  kanyang closeness kay Talitha, ang daughter  nila ni Pauleen Luna.

Nakita natin how loving si Bossing  sa pagkarga nito sa napakabigat na si Talitha at ang kanyang worry kapag  may sipon at ubo ang baby.

Vic Sotto may not be a perfect partner but definitely, he’s a good father and provider. Ang closeness ni Bossing  sa lahat ng mga anak niya , ang paggalang at pagmamahal ng mga ito sa kanya ang isang patunay na good father siya. Congrats father of Mayor Vico, sure ako with you around, may good support ang bagong halal na mayor ng Pasig City.

Dingdong at Marian ginawang baby toy ang bunso

Kaloka sina Dingdong Dantes at Marian Rivera dahil isang buwan pa lang ang kanilang anak na si Ziggy, isinakay na agad sa motorsiklo at inilagay sa banyera para sa  family pictorial nila.

Dahil medyo malaki na ang panganay na si Zia, si Ziggy ang naging baby toy ng mag-asawa.

Kitang-kita ang  personal na  pag-aalaga  kina Zia at Ziggy ng  mommy at daddy nila na kahit may ibang mga ginagawa, may time para sa dalawang bata, lalo na si Marian na  personal na namamahala sa lahat.

Lucky kids for having parents like Dingdong and Marian na mga mahal ni God na nagbigay sa kanila kina Zia and Ziggy.

Kris nalusutan

Sobra ang kilig na napi-feel ko pag nababasa ko ang comments ni Kris Aquino sa ilang mga post ko sa Instagram Mama Salve.

Knowing Kris na may pagkamaldita sa kanyang mga binabasa, elated ako na pinagtitiyagaan niya na basahin ang mga long post ko.

Knowing ni Kris ang moments na bait-baitan school of acting ako at ang  moments na inis na ako.

Mahusay si Kris na magbasa ng character ng tao kaya nagtataka ako kapag may nakakalusot sa kanya na  user at plastic.

Madaling ma-feel ni Kris  kung ine-eklay lang ito o nagbabalak  ang tao na  gamitin siya.Very sharp si Kris pagdating sa mga bagay na ganyan kaya kapag binigyan ka niya ng tiwala at payagan na ma-penetrate ang kanyang defences, ibig sabihin may seal of approval niya kaya nga shocked ako nang pumutok ang isyu tungkol sa kanila ni Nicko Falcis.

Paano nangyari na napunta si Nicko sa elite circle of friends ni Kris, tapos may ganoong pangyayari? Well, I hope okey  na ang  lahat, maayos na  sana ang mga problema  at wala ang legal tussles. Thank you Kris for follo­wing me on Instagram.

Away nina Joey at Jeremy may konek sa pulitika

Nagulat ako nang malaman ko na may feud pala ang mag-ama na Joey at Jeremy Marquez dahil ito ang isyu na ipinasagot kay Winwyn Marquez ng mga reporter na dumalo sa presscon ng Dahil Sa Pag-Ibig, ang afternoon drama series ng GMA 7 na mapapanood simula sa Lunes, May 20.

May kinalaman sa pulitika ang diumano’y silent feud ng mag-ama kaya hindi sinuportahan ni Joey ang vice mayoral bid ni Jeremy sa Parañaque City. Parehong mabait sina Joey at Jeremy kaya wish ko na mawala na ang kanilang tampuhan at magkasundo na sila.

vuukle comment

DINGDONG DANTES AND MARIAN RIVERA

VIC SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with