Sanya handang mag-audition sa Darna
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - May 18, 2019 - 12:00am

Hindi naman itinatanggi ni Sanya Lopez na type niyang gumanap na Darna kung mabigyan lang ng pagkakataon.

Isa kasi siya sa mga Kapuso talents ang sina-suggest ng mga netizen na mag-Darna, bukod kina Jennylyn Mercado at Maine Mendoza.

Minsan daw sa taping ng bagong afternoon drama niyang Dahil sa Pag-ibig, napagtripan lang daw nilang i-video siyang sumigaw ng Darna at na-upload daw iyun ng ilang kasamahan niya.

Siyempre, magandang break daw sa isang artistang babae ang makapag-Darna kaya kung mabibigyan ng chance, kahit mag-audition daw siya.

“Pag nagbigay po sila ng invitation sa GMA at pumayag ang GMA, why not. Pag sila po nagbigay ng invitation.

“Gusto po kasi talaga yung nag-action, Nung bata kasi ako para akong lalaki. Kalaro ko kapatid ko, mga pinsan kong lalaki. Kaya gusto ko yung mga panlalaki na laro,” pakli ni Sanya sa mediacon ng Dahil sa Pag-ibig.

Pero dito sa bagong drama series niya ay talagang napasubo siya sa drama, at may ilang daring scenes pa sila nina Benjamin Alves at Pancho Magno.

Sa Lunes, May 20 na magsisimula ang Dahil sa Pag-ibig, pagkatapos ng Bihag.

Vic ayaw bigyan ng kapalit si Alden kay Maine!

Aware pala si Vic Sotto sa mga gustong baguhin sa sitcom nila ni Maine Mendoza para may bago ring aabangan.

Ilang linggo na ring natatalo sila sa rating ng katapat na Idol Philippines kaya dapat mag-reformat at mag-isip ng mga bagong pakuwela sa naturang sitcom,

Ang isa sa naisip nila ay hanapan daw sana ng love interest si Maine Mendoza, pero tingin ni Bossing Vic hindi makakatulong dahil marami pa rin sa fans nila ni Alden Richards na possessive pa rin talaga.

Okay lang daw kung may guest sila na puwedeng i-link kay Maine, pero kung regular baka hindi pa raw right time.

“May mga paminsan-minsan naman may mga episode  kami na nagkakaroon siya ng parang love interest pero on a regular basis siguro hindi pa muna.

“Siguro sa mga darating na episode para maiba naman yung takbo ng istorya. Kasi mahirap na eh, dahil may kanya-kanya silang manok ang mga manonood eh. Siguro at this point, neutral muna tayo.

“Para sa akin naman kasi, ang AlDub eh, hindi naman mawawala yun eh. Kahit na sinong maka-partner nila, AlDub pa rin yun, hindi na mawawala yun,” pahayag ni Vic Sotto.

Samantala, balak din pala ni Vic na mag-submit ng script para sa Metro Manila Film Festival.

Sa May 31 na ang deadline ng submission ng script kaya naghahanap pa raw sila ng magandang material na bago sa kanya.

“Sa kasalukuyan eh may mga pini-pitch sa akin na mga konsepto. Nagdidesisyon pa kami ng mga konsepto kung ano ang aming gagawin. It has to different kasi  sa huli kong ginawa, sa iba kong nagawa. Dapat iba naman.

“Parang Pasig lang yan, iba naman,” napapangiting pahayag ni Bossing Vic.

Jose Manalo pasok na sa Starstruck

Hindi pala si Wally Bayola kundi si Jose Manalo ang magdya-judge sa Starstruck.

Nakapag-pictorial na siya na kung saan makakasama niya sina Cherie Gil at Heart Evangelista.

Biro nga raw ni Jose, mas kinakabahan daw siya kay Cherie kesa sa pagdya-judge niya.

Pero maganda ang kumbinasyon ng mga napili nilang judges dahil isang aktres at fashionista na si Heart, ang mas magaling na aktres at primera kontrabida na si Cherie, at stage performer at comedian na si Jose.

Baka first week of June daw sila magsisimula at mapapanood na ang bagong proseso nang pagpili sa mga finalist mula sa libu-libong nag-audition.

May ilang tsismis na nga kaming narinig na hindi na raw nila ipinasok sa semi-finals ang ibang nalaman nilang may sex video scandal pala.

MAINE MENDOZA SANYA LOPEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with