Sue, tinuruan ng mga kalokohan ang K-Pop idol na nakatrabaho
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - May 17, 2019 - 12:00am

Kakaibang karanasan para kay Sue Ramirez na makatrabaho ang isa sa kanyang mga Korean pop idol sa pelikula. Nakasama ng aktres sa Sunshine Family si Shinwoo na miyembro ng Korean boy group na Blanc7. Kinunan pa mismo sa Korea ang nasabing pelikulang ito mula sa Spring Films at Filmline Productions na mapapanood na sa mga sinehan simula June 5.

“Pinakabagong experience ko or knowledge na natututunan ko is working with Koreans talaga. Kung paano sila sa set na sobrang tahimik nila magtrabaho. Kapag work, work talaga, on time sila palagi,” nakangiting bungad ni Sue.

Mas lalong hinangaan ng aktres si Shinwoo dahil sa pagiging mabait ng binata at propesyunal nito sa trabaho. “Ang bait-bait ni Shinwoo. Tapos ang cute kasi nagpapaturo rin siya sa amin mag-Tagalog. Anu-anong kalokohan ang itinuturo namin sa kanya. So it was a very fun experience and we got to sing together,” kwento ng dalaga.

Noong una ay inakala ni Sue na mahihirapan silang mag-shooting sa South Korea kasama ang iba pang bida na sina Nonie at Shamaine Buencamino, Marco Masa at Shinwoo. “In-expect ko talaga na mahihirapan ako kasi una sa lahat language barrier. Malaking factor kasi ‘yon with ‘yung work place kung paano kayo mag-communicate with each other. Siyempre iba yung culture, iba ‘yung way of living talaga kumpara sa Pilipinas at mga Koreano. Pero sobrang naging smooth lang,” pagbabahagi ng aktres.

Walang pasabi...

Ian, hindi sinipot ni Patti Austin sa Canada

Ikinalungkot ni Ian Veneracion ang hindi pagsipot ng international singer na si Patti Austin sa kanilang Soul and Heart Canada tour kama­kailan. May ilang mga detalye umano para sa show ang hindi sinang-ayunan ni Patti kaya raw nag-backout ang singer. Maging ang producers ng nasabing concert ay ikinalungkot ang nangyari.

“As far as I know, she’s paid. With all due respect, we all know that she is professional and we are expecting her to at least have that respect and decency to tell us, ‘I’m sorry’ or at least respect the audience,” pahayag ni Marivic Monteverde ng Backstage Ventures.

Kahit hindi nakara­ting si Patti sa concert at nairaos naman din ito nang matagumpay ayon kay Ian.

“Of course kinabahan ako kasi I’m more of an actor than a singer naman talaga. When I learned na, I don’t know, she just flew off, it was going to be my show, oh my goodness. Mapi-feel mo naman if they (audience) feel shortchanged. I didn’t feel that. They didn’t make me feel that at all,” naka­ngiting pahayag ni Ian.    (Reports from JCC)

SUE RAMIREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with