Jayda hindi na takot sa death threats!
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - May 17, 2019 - 12:00am

Nakaungos na naman si Jayda Avanzado sa mga kasabayan niyang singer dahil naririnig na ang boses niya sa bansang Indonesia. Lumabas na rin ang music video ng Crazy About na pinagtulungan nilang gawin ng isang sikat na Indonesian singer na si Renn Miko. Ang popular na Indonesian singer mismo ang humiling na makasama siya sa music video na maririnig din dito at mapapanood sa ating bansa.

Excited ang anak nina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza sa kanyang pagsubok na makilala sa international circle. Hindi man siya binabagabag ng mga death threat na natatanggap niya at hindi malaman ang pinagmulan at kung bakit, ipinaabot na ng ina ni Jayda ang tungkol dito sa kapulisan para sa safety ng kanyang 15 years old daughter na wala namang tinatapakang tao at gusto lamang kumanta. Tsk. Tsk. Tsk.

Loisa ihihiwalay muna kay Ronnie

Matapos ang matagumpay na paghihiwalay ng JoshLia at ang patuloy na pagtatagumpay ng pelikula ni Julia Barretto without Joshua Garcia but with Gerald Anderson, si Loisa Andalio naman ang sisikaping ipareha rin sa iba, at hopefully, ay magtagumpay din with her new partner, Vin Abrenica sa isang serye na mapapanood sa digital channel.

Sayang, kung kailan pa naman excited na ang  fans nila dahil bumebenta ang tambalan nila sa The General’s Daughter na nagtatampok kay Angel Locsin at saka naman sila maghihiwalay ni Ronnie Alonte. Ang tambalan nila ang nagbibigay ng romansang sangkap sa napakamaaksyong serye.

Isang serye ang gagawin ng bagong pareha  na pinamagatang Past Present Perfect, isang love story din ang serye pero bibigyan ng kakaibang twist. Naniniwala naman ang mga supporter ni Ronnie na hindi siya mapag-iiwanan ng ka-loveteam dahil mayro’n itong Hashtags at si Ronnie pa nga ang nagkukulang ng oras para sa kanyang grupo. Hoping lang ang fans na mababalikan pa ng pareha ang isa’t isa.

Sam may bagong lovelife na rin

Open si Sam Milby sa pagsasabi na isa si Yam Concepcion sa pinaka-nami-miss niya simula nang magtapos ang serye nilang Halik. Marami ang binibigyan ng kulay ang closeness at sweetness ng dalawa dahil sa kasagsagan ng work nila sa Halik series ay dinadalhan ni Sam ng pagkain at inumin ang naging kapareha niya sa serye.

Nawawala lamang ang hinala sa kanila dahil taken na si Yam at mayro’n itong long distance romance. Si Sam din naman ay mayro’n na rin daw lovelife.

Partylist na talunan nagpo-protesta rin

Bakit ba ang dami-daming party list? Nabulgar sa naganap na mainit na sagutan sa pagitan ng mga abogado ng party list at ng Comelec na marami sa mga party list ay pinatatakbo rin ng mga pulitiko para sa sarili nilang interes at hindi para sa mga mamamayan na gustong magkaro’n ng boses sa Kongreso.

Sana imbestigahan sila ng Comelec bago sila payagang tumakbo para makasiguro na para sa kapakanan ng ordinaryong mamamayan ang misyon nila at hindi para sa mga talunang pulitiko na gustong mamayani sa likod ng mga party list. 

Mga Taga-Botolan napwerwisyo ng mga vessel ng China

Mayro’n na namang dapat panagutan ang bansang China sa naging oil spill ng isa nilang dredging vessel na naapektuhan ng malaki ang kabuhayan at kalusugan ng mga taga-Botolan, Zambales na ang tanging ikinabubuhay ay ang pangingisda at ang paghuli ng alamang. Hanggang kailan ba natin papayagan ang mga Tsino na sirain ang ating karagatan?

Sino ba ang dapat managot sa ginawa nila, sino ang nagbigay sa kanila ng permiso para sila makapunta sa panig na ito ng ating bansa at makapamer­wisyo?

JAYDA AVANZADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with